Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, March 01, 2009

Kapuso vs. Kapamilya sa Bb. Pilipinas 2009

LABANAN ng dalawang network sa Bb. Pilipinas 2009.

May candidate ang GMA-7, si Rich Asuncion (Richell Angalot ang tunay na pangalan) na nagmula sa StarStruck batch 4. At sa ABS-CBN 2 ay si Priscilla Navidad naman na galing sa latest batch ng Pinoy Big Brother.

Wala kaming itulak-kabigin sa dalawang kandidata.

Si Rich, 20, bukod sa regular member ng SOP at lumalabas sa soaps ng Kapuso network, ay naging Miss Tagbilaran City noong 2005. Siya’y nag-aaral sa UP Diliman ng BS Tourism ngayon.

Si Priscilla,18, ay naging Miss Teen Philippines International 2007 at tubong Davao City. Siya’y second year college sa kursong MS Management.

Parehong matangkad at sexy ang dalawa. Parehong talented at outstanding ang beauty.

Ang kaibahan lang ni Priscilla, nababasa niya ang galaw ng lips ng bawat taong nagsasalita. Siya’y deaf. Pero, magaling siyang magsalita. May extra-ordinary skill siya sa communication thru lips reading.

Ngayong Sunday, ang talent night ng Bb. Pilipinas 2009. Abangan sina Rich at Priscilla na ipakita ang kanilang talents. Gagawin ang event sa likod ng Araneta Coliseum open park at 6 p.m.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES