Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, March 09, 2009

Kasal nina Juday at Ryan na-delay dahil sa Feng Shui

Sa March 25 pa sisimulan ni direk Dante Nico Garcia ang shooting ng OMG! (Oh! My Girl!) ng Regal Entertainment na sabi ni Mother Lily ay “wedding movie” nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Hindi nasabi ng producer kung isasabay niya ang showing nito sa kasal ng dalawa dahil hindi pa rin matiyak ng actress kung kailan ang kasal nila ng fiancé.

Sa kuwento pa lang, nakakatawa na ang OMG!, kung saan, mag-aayos babae si Ogie sa role ni Biboy at PA ni Judy Ann sa papel ni Darling na sikat na singer-actress. Taga-ABS-CBN ang makaka-loveteam kunwari ng actress na may pangalang Bambam Baderos.

Si Ogie ang tumawag kay Judy Ann kung puwede silang magsama sa movie na tinanggap ng actress. Ang sweet nga ng dalawa dahil sa poster ng movie, polo ni Ogie ang suot ni Judy Ann at ito lang ang movie na hindi pa nagsu-shooting, may teaser na.

Ayaw na sanang pag-usapan ni Judy Ann ang nalalapit na kasal nila ni Ryan, pero ayaw papigil ang press. Ang sabi na lang ng actress, hindi traditional wedding ang magaganap dahil baka magsawa na raw ang readers na puro kasal ang nababasa.

“Isa siyang simple, class and elegant type of wedding. Lahat ng adjectives puwede kong gamitin sa pagdi-describe sa magiging kasal namin.”

Lumabas din na kaya natatagal ang kasal dahil nag-consult sila sa Feng Shui expert at Astrologist at susundin nila ang advise kung kailan ang right date for them to get married. Nagulat din ito sa na-quote na aabutin ng P5 million ang magagastos sa kasal nila ni Ryan.

Sa tanong kung ibebenta nila ang TV right ng kasal sa mag-o-offer na network, ayaw munang magsalita ng tapos ni Judy Ann.

“Pasensya na, ‘di ko pa masagot ‘yan as of now. Anything can happen and everything is possible. Ayaw ko lang ng magulong seremonyas dahil bata pa lang ako, gusto ko na ng simple at tahimik na kasal at kung mapapalabas man para sa fans. Hindi ko gagawing pangangalakal ang kasal namin, ‘di ito showbiz, personal ito,” paliwanag ni Judy Ann.

Inamin ni Judy Ann na matagal na niyang crush si Francis Magalona at nanghihina siya ‘pag nakikita ito. Nag-audition pa nga siya sa Philippine Idol noon para lang makita si Francis at ang Mga Kababayan Ko ang audition piece niya, pumasa raw siya and was given a gold card.

“Binigyan namin siya ng book ng Ploning at dapat pipirmahan namin na ‘di nagawa dahil naging busy kami. Ang sabi niya sa amin “I have to be in your wedding.” I felt bad na ‘di namin napirmahan ‘yung book. Kaya ko siya crush dahil ang bangu-bango niyang tingnan, baby face, may mabuting puso at mabuting tao siya na mabibilang at showbiz ang mga totoong tao. Masuwerte kami ni Ryan dahil nakilala namin siya at naging kaibigan. Natulala kami nang malamang wala na siya, nakakalungkot,” wika ni Judy Ann.

Si Ricky Davao ang pabirong sinisi ni Mark Anthony Fernandez kung bakit payat siya dahil sinunod niya ang payo ng actor kung paano mabilis pumayat. Bumili raw siya ng poster ng idol niya at gayahin niya. Poster ni Brad Pitt ang kanyang binili na araw-araw niyang tinitingnan at sinasabi sa sariling magiging kasing-ganda ang katawan niya sa katawan nito.

Pumayat nga si Mark, kaya lang pati mukha na pinuna ng press na nakakita sa kanya sa presscon ng All About Eve dahil nagmukha siyang haggard. Sabi naman ni Mark, sa personal lang siya halatang payat dahil maganda ang rehistro niya sa telebisyon.

Ginulat din ni Mark ang press sa inaming maka-Dolphy siya, as in, sa mga naka-relasyon ng inang si Alma Moreno, ang Comedy King at ang mayor ng Marawi City na pakakasalan ng ina sa April 9, lang siya boto. Mabait daw ang future father-in-law at ang maganda’y handa nitong pakasalan ang ina.

Ang wish lang ni Mark, maging last husband na ng ina ang lalake.

Hindi pala bothered si Mark na si Diether Ocampo ang original choice sa role ni Kenneth na pino-portray niya sa AAE na pilot mamaya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES