Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, March 21, 2009

Kristel Romero nanghihinayang

NANGHIHINAYANG si Kristel Romero at hanggang April na lang ang I Love Betty La Fea.

Malaki raw ang naitulong ng series sa kanya para, wika nga, ay ma-prove niya that she has what it takes to be an actress.

Alam daw niyang marami ang nagtaasan ang kilay, dahil tinanggap niya ang role bilang receptionist na palaging ‘pinapawisan’ ang kili-kili. Pero katuwiran niya, a role is a role. And any opportunity which comes her way, she should grab it.

And what an opportunity, she exclaimed, ang makasama sa isang series ang mga gaya nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Ruffa Gutierrez at Vhong Navarro (sila lang sa cast ang madalas niyang maka-eksena), who have all made their marks in showbiz.

Like her Tita Ness (Alma Moreno to you and me), mahusay ding sumayaw si Kristel. She is able to display this in the Sunday musical show, ASAP, on ABS-CBN.

Like her Tita Ness (younger sister of her dad, Freddie), willing din bang mag-bold si Kristel?

“I’m willing to go sexy. Pero siguro, ang mag-expose ng ilang pribadong parte ng aking katawan, baka mahirapan akong gawin.

“Although siguro, I’ll cross the bridge when I get there,” ang seryosong wika ni Kristel.

* * *

NA-MEET na raw ni Kristel ang mayor ng Marawi na napapabalitang pakakasalan ng kanyang Tita Ness. Dumalo raw ito sa kanyang 18th birthday party which Alma organized in her honor.

“Ayaw ko na nga sanang magkaroon ng party, pero sabi ni Tita Ness, once lang daw nagte-turn-18 ang isang babae, kaya, karapatan ko raw na magkaroon ng party.

“The biggest surprise of the evening was the presence of my dad na matagal ko nang ’di nakikita,” pahayag ni Kristel.

How does her would-be uncle look like?

“Puwedeng ako ang sumagot ng tanong na ’yan,” sabad ng movie columnist na si Julie Bonifacio. “Nasa party ako at nakita ko ang guy. He looks like Lito Lapid.”

From Kristel, we learned na may malaking handaang magaganap sa pamilya nila sa Cebu. Obviously, ito ang hinihintay na sandali ni Alma para maipakilala sa mga kamag-anak ang mapapangasawa.

The Lacsamanas (yes, spelled with a C, not X) are from Cebu. It was in Cebu where Alma was discovered by the late comedian Chiquito, who introduced her to then Tower Productions big boss and producer Temyong Marquez.

Direk Temyong is the father of Joey Marquez, who later became the husband of Alma.

Joey and Alma’s marriage has been annulled.

* * *

KRISTEL is currently doing a movie, the Bea Alonzo-Sam Milby starrer tentatively titled I Love You So.

According to Kristel, Direk Lauren Dyogi, who doubles as unit head ng Pinoy Big Brother on ABS-CBN, handpicked her for the role of the girl na “lumalandi” kay Sam.

Pero sa tunay na buhay daw, Kristel swears, ’di siya malandi.

* * *

IF only for the lesson Kristel experienced from this incident, pumayag siyang maikuwento ang nangyari sa kanya recently nang detalyado.

It involved her new alalay and comedienne KitKat.

She and the others in the dressing room expressed their sympathy to KitKat, dahil nga narinig nila sa isang interview na madalas itong mawalan ng gamit at pera.

In the middle of their conversation daw, nagpaalam si KitKat na sasaglit sa comfort room. Dala-dala nito ang pouch, na naglalaman ng tatlong cellphones. Yes, tatlong cellphones.

Heto na raw ang siste. Nang bumalik si Kitkat, wala na itong dala.

So, they asked where her pouch was. Bumalik si Kitkat sa CR dahil saan pa nga ba niya ito maiiwanan kung hindi roon lang?

Namumutla ito nang bumalik sa dressing room. It turned out na ’di lang tatlong cellphones ang laman ng pouch, may pera pa.

“Heto ang nakakahiya,” pahayag ni Kristel. “I volunteered na tawagan ang number ng isa niyang cellphone at baka ’di pa nakakalabas ng dressing room ang kawatan (nasa loob ng dressing room ang CR).

“Was my face red when the ringing came from a bag na mabuti na lang, hindi akin, pero dala-dala ng aking alalay. Kaya pala, sobra ang pagkakayakap niya sa bag.
“Kaya let’s be careful even if desperate tayo to have a katulong. We have to make sure na kakilala talaga natin ang nag-recommend nito sa atin. O, better, hingan natin ng NBI clearance,” susog pa ni Kristel.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES