Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, March 15, 2009

Lea Salonga bilib sa boses ni Jed

Maganda na ang boses ni Lea Salonga na nagbibigay ng karangalan hindi lamang sa kanya kundi maging sa bansang pinanggalingan niya, pero maski na siya ay humahanga sa boses ng isang kapwa niya Pilipino, si Jed Madela, na pinahanga rin ang buong mundo nang sumali ito nung 2005 sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA) at napanalunan ang lahat ng major awards, anim na gold sa anim na kategoryang sinalihan niya sa World Star Trophy at ang pinaka-ultimate title na Grand Champion Performer of the World, ang kauna-unahang Pilipino na nanalo nito sa mahigit na 3,000 kalahok mula sa 53 bansa na sumali.

Ayon mismo kay Jed nang makausap ko siya makatapos na siya ay manalo, maraming Pilipino ang sumasali sa WCOPA at nakapag-uuwi rin ng mga medalya at tropeo pero ang mga ito ay nakuha lamang nila dahil nakapasa sila sa screening na ibinibigay para makasama sa pakontes pero, hindi dahil nanalo na sila sa contest proper. Sa katunayan, iilan lamang silang totoong nakasali rito. At minsan ay umuupo na si Jed bilang hurado ng WCOPA.

Limang album na ang nagagawa ni Jed simula nang manalo siya. Pinakauna ang I’ll Be Around na kung saan kinuha ang sumikat sa radyo na awitin niyang Let Me Love You (From the Bottom of My Heart). Sumunod dito ang Songs Rediscovered na isa nang certified double platinum at ang ikatlo, ang Only Human na naging gold. Meron din siyang Christmas album, The Voice of Christmas na inilabas nung 2008 at naging gold isang buwan lamang makaraang ilabas ito.

Ang panglima niyang album, ang Songs Rediscovered 2: The Ultimate OPM Playlist ay binubuo ng mga lokal na awiting isinulat sa Ingles. Si Jed mismo ang pumili ng mga awiting nasa album, mga awitin ito na kinalakihan niya at may kahulugan sa buhay niya. Itinuturing niyang pinakamaganda ito sa limang album na ginawa pero, nakaramdam siya ng pressure habang ginagawa niya dahil aniya ay “Andito pa yung mga kumanta ng songs.”

Labing anim lahat ng awitin na nakapaloob sa album.

Sa ngayon, bahagi ng programang ASAP ng ABS-CBN si Jed at gumagawa ng mga sell out concerts dito sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES