Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, March 12, 2009

Martin Nievera, Gary V. concert 'di mahanapan ng title

Kung naging malaking tagumpay ang reunion concert ng estranged couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera, ang Missing You at ang repeat concert ni Gary V. sa Big Dome ng Gary V: Live @ 25, tiyak na aabangan nang husto ang unang back-to-back concert nina Martin Nievera at Gary V. na nakatakdang ganapin sa Araneta Coliseum sometime in September na iku-co-produce ng Big Mouth Productions ni Martin at Manila Genesis ni Gary V. Nag-iisip pa sina Martin at Gary V. ng akmang titulo para sa kanilang unang concert together.

We suggested Face Off pero nagamit na umano ito sa concert nina Christian Bautista, Erik Santos, et al.

Maraming beses nang nagkasama sina Martin at Gary sa mga shows pero never na silang dalawa ang main stars.

Kadalasan guest ang isa sa kanila sa concert ng isa o di kaya guest silang dalawa sa concert ng iba.

Samantala, doon sa hindi nakapanood ng Gary V: Live @ 25 last November at nung nakaraang February 20 sa Araneta Coliseum, may chance silang mapanood ito sa darating na March 15 (Sunday) sa ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol Linggo.

Sa darating na buwan ng Agosto ay magsi-celebrate na ng kanilang silver wedding anniversary ang mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano.

Ayon kay Gary, nag-iisip na umano siya ng cruise vacation para sa kanila ni Angeli.

Puwedeng silang mag-asawa lamang at puwede rin naman na kasama ang kanilang tatlong anak.

Inamin ni Gary na nagmuntik-muntikanan uma­nong umabot sa hiwalayan ang pagsasama nila bilang mag-asawa ni Angeli nung dekada nobenta hindi dahil sa third party kundi dahil madalas umano silang magtalo sa maraming bagay.

Ayon kay Gary, kung natuloy silang maghiwalay ni Angeli, baka wala na siya ngayon sa mundo dahil wala na siyang asawa tulad ni Angeli na mag-aalaga at nakatutok sa kanya. Aminado si Gary na bukod sa Diyos, kay Angeli niya utang ang kanyang buhay.

Bukod sa kanilang tatlong mga anak na sina Paolo, Gab at Kiana, si Angeli ang nagsisilbi niyang strength at inspiration.

Between Gary at Angeli, aminado rin si Gary na mas seloso siya kesa kay Angeli at ito’y dahil nung dalaga pa ang kanyang misis ay napakarami raw ng mga manliligaw nito.

Ang pagsasama nina Gary at Angeli ang maituturing na isa sa pinakamatatag among showbiz couples.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES