Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, March 16, 2009

‘Matrona’ ni Joross Gamboa hawig kina Rufa Mae at Iwa Moto

Nali-link ngayon si Joross Gamboa sa kanyang producer ng Indi film niyang Pasang Krus na si Maricar Santos. Ang tsismis, matrona na raw ang naturang produ kaya hindi maganda ang dating ng pagkaka-link nila.

Pero nang makita namin ang picture ni Maricar, unfair namang tawagin siyang matrona dahil parang nasa late 20s pa lang siya.

May hawig si Maricar kina Iwa Moto at Rufa Mae Quinto. Napagkakamalan din daw itong kapatid ni Rosanna Roces na kasama rin sa Pasang Krus.

Nagsalita na ang naturang producer tungkol sa tsismis sa kanila ni Joross at aniya ay wala raw itong katotohanan. In fact, kapag nagkakape nga raw sila ay ang young actor pa ang nagbabayad kaya wala raw sa tipo nito ang magkaroon ng sugar mommy.

Pero ang relasyon lang daw nila ay producer-artist dahil may boyfriend daw siya at si Joross naman ay may girlfriend din kaya huwag naman daw sanang lagyan ng ibang kulay ang kanilang working relationship.

“Hindi naman mahirap mahalin si Joross. Mabait siya . Pero aware ako na na may girlfriend siya at alam din niya na may boyfriend ako. Nabibigyan lang ng malisya. Trabaho muna. Hindi naman nalalayo si Joross sa edad ko kaya hindi ako makatulog pag sinasabi nilang matrona ako ni Joross. Naapektuhan talaga ako,” say ng producer.

Anyway, may premiere night ang Pasang Krus sa March 30 sa Cinema 10 ng Megamall at look na lang n’yo siya kung mukha na siyang matrona.

Samantala, bukod sa Pasang Krus, abangan si Joross sa May Bukas Pa dahil magsisimula na siyang pumasok sa serye this week. Guests sila ni Kaye Abad at abaganga kung paano babaguhin ni Santino (Zaijian Jaramilla) ang kanilang buhay.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES