Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, March 13, 2009

Matt Evans, kilala ang naninira sa kanya

MAY idea ang young actor na si Matt Evans kung kanino nanggaling ang mga bali-balitang diumano’y nakabuntis siya ng isang teenager na babae na taga-Quezon City.

Iisa lang daw ang posibleng panggalingan ng balita. Ang tinutukoy ng young actor ay ang dati niyang manager. Pero magkaganu’n man, walang balak si Matt na idemanda o komprontahin ang kanayang dating manager.

“Alam ko naman kung ano ‘yung totoo, eh. Malinis ang konsensiya ko. Hindi ko naman itinatangging may girlfriend ako ngayon, pero hindi totoong buntis siya,” paglilinaw ni Matt.

Hindi rin daw apektado ang working relationship nila ni Melissa Ricks sa Your Song Presents Underage kahit pa naglabasan ang balita.

“Okey kami ni Melissa. Wala kaming problema. Hindi rin naman kasi siya naniniwala na magagawa ko ‘yung ganu’n, eh,” dagdag pa niya.

Kasama rin sa Underage sina Rafael Rosell, AJ Perez, Lauren Young at Empress Schuck.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES