Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, March 01, 2009

PBB season 3 audition -- riot!

DINAGSA ng mga tao ang first audition ng Pinoy Big Brother season 3 na ginawa mismo sa harapan ng PBB House.

Umabot sa 12,000 ang dumating. Doble sa 6,000 na nag-audition noong season 2. At lahat ay nagtiis sa init, uhaw at gutom habang matiyagang nakapila.

Nagkagulo nang biglang i-announce ng guard na cut-off na ng 3 p.m. Ibig sabihin ay wala nang puwedeng pumasok pa.

Nagwala na ang crowd lalo na nang sinabi ng guard na wala nang ibang audition dates sa Metro Manila maliban na lang sa mga naka-schedule na mga audition sa SM malls sa mga probinsiya.

Ayaw pumayag ng mga tao na basta na lang sila ididispatsa lalo pa’t nakapila na sila umaga pa at ‘yong iba ay nanggaling pa sa malalayong lugar.

Nagmistulang riot na raw sa venue ng audition. Ayon sa mga nakakita, pinagpapalo na raw ng guards ang matitigas ang ulong gusto pa ring makapasok sa loob ng ABS-CBN.

“Bakit nila kami pinaasa? Ang sabi nila kaninang umaga, lahat ay makapapasok basta lang matiyaga kaming pumila,” himutok ng marami.

‘Yong iba naman ay nagsimula nang sumigaw nang sabay-sabay ng: “Survivor Philippines na lang kami! Ibaba ang ratings ng PBB!”.

Nagpaliwanag si Direk Lauren Dyogi kung bakit kailangan nilang ihinto ang audition. Hindi raw nila kasi inaasahan na ga-nun karaming tao ang darating at nagkakasiksikan na at nagkakatulakan.

Nakababad pa sa init ng araw ang karamihan sa nakapila kaya malaki ang posibilidad na ma-heat stroke ang ilan.

“Inaalala lang namin ang health at safety ng mga tao kaya hininto na namin ang audition,” paliwanag ni Direk Lauren.

Dahil dito ay napagpasiyahan nila na magdagdag pa ng tatlong audition dates sa Metro Manila. Para sa PBB season 3 (19-35 years old category) puwedeng mag-audition ulit sa March 9 & 11 at sa PBB Teen (14-17 years old) sa March 13.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES