Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, March 13, 2009

Pokwang updates

Hindi na nagtataka si Pokwang kung bakit hanggang ngayon ay nagagamit pa rin ang pangalan niya sa ilang shows kahit hindi naman siya ka-join.

Gaya na lang nu’ng isang show sa Albay na sinasa-bing kasama raw siya pero hindi naman pala.

Nilinaw ni Pokie na hindi lang naman daw siya ang nabibiktima ng ganitong mga raket.

“Sina Pooh at Sam (Concepcion) ang kasama ko roon. Meron silang nakitang tarpaulin doon, kaya tumawag agad sila sa Talent Center, nagtatanong kung may show daw ba si Sam na kasama kami ni Pooh sa Albay sa March 14? Kasi meron daw doon na nagti-tinda ng ticket. Actually, hindi lang naman ako ang nabibiktima ng mga ganitong pangyayari eh. ‘Yung ibang artista, nangyari rin ito sa kanila. So sana, ang mga gumagawa ng ganyan, matakot kayo sa Diyos, matakot kayo sa karma,” giit ni Pokwang.

Kinamusta rin namin ang damdamin ng komedyana tungkol sa mga intrigang kinasangkutan niya lately.

Na-intriga si Pokwang na nagmamaldita dahil hindi raw nito sinipot ang isang show sa Subic pero ang to-too ay may valid reason ang komedyana.

Tinanong namin si Pokie kung naniniwala ba siyang bu-boykotin ng mga taga-Olongapo ang album niya?

“Hindi! Ang i-boycott nila ‘yung mga (drug) addict, ‘yung kahirapan ng buhay at hindi ‘yung album ko. Dahil walang ginagawang masama ang album ko.”

In fairness kay Pokie, masasabing ipinaglalaban lang niya kung ano ang sa tingin niya’y tama at nasa katwiran.

Maging ang anak niyang si Ria Mae ay sinabihan na rin niyang huwag nang mabahala sa mga intriga laban sa kanya.

“Sinabi ko sa anak ko, mag-aral lang siyang mabuti, huwag na niyang isipin ‘yung mga intriga sa akin, dahil iba ang mundo ko. ‘Yung pag-aaral na lang niya ang atupagin niya.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES