Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, March 18, 2009

Pops Fernandez, kinampihan si Martin

Napanood namin sa SNN: Showbiz News Ngayon ang reaksyon ni Pops Fernandez sa gulong namamagitan ngayon sa dalawang ex’s niyang sina Martin Nievera at Jomari Yllana at bagama’t noong una ay ayaw niyang magbigay ng comment, sa bandang huli ay hindi rin napigilan ng Concert Queen na kahit paano ay ipagtanggol ang dating asawa.

“Naiintindihan ko rin naman ‘yung part ni Martin. Wala naman kasi yata siyang sinabing masama, eh. As a matter of fact, siguro, as a father of my kids, and as a friend, siguro, normal lang ‘yun na reaksyon.

“In all honesty, hindi naman niya kailangang mag-comment but because siguro, he chose to be a friend, he decided to say something,” pagdedepensa ni Pops kay Martin.

Pero at the same time ay naiintindihan naman daw niya kung saan nanggagaling si Jomari.

“Siguro because mainit pa talaga ang issue, kung baga kasi, kaka-break lang naman namin. Ang hirap, di ba? Ang hirap kasi parang… siguro nga, he’s going through something,” say pa ng Concert Queen.

Sinabi rin ni Pops na ang kasalukuyang nangyayaring gulo sa kanilang tatlo is something na hindi raw niya ine-expect.

“Nag-umpisa kami na okay naman ‘yung pagsasamahan namin nun’g nagtatrabaho kami. Parang hindi naman maganda na ‘yung ending is something unexpected like this,” she said.

The Concert Queen hopes na matapos na ang gulo at sana raw ay irespeto na lang natin ang damdamin ng mga taong involved. As for her part, aniya ay masakit pa sa kanya ang nangyaring break-up at nasa healing process pa lamang.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES