Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, March 28, 2009

Roxanne Guinoo tsinugi sa ‘Banana Split’

SPEAKING of Banana Split, we learned na tsugi na pala si Roxanne Guinoo sa nasabing gag show starting this April.

Next month daw kasi ay season 3 na ang show at magkakaroon ng reformatting. Ipapasok sa show ang Parekoy cast na sina Jayson Gainza, Zanjoe Marudo at John Prats.

Dahil may idadagdag, magbabawas naman sa original cast and unfortunately, kasama si Roxanne sa mababawas.

Ang rason na ibinigay ng source namin, tila hindi raw bagay si Roxanne sa ganu’ng klaseng show. Mas bagay daw sa young actress talaga ang drama. Ito raw ang forte talaga nito at hindi comedy.

Hindi lang namin alam kung paano tinanggap ni Roxanne ang nangyari dahil last Thursday, dapat ay kasama pa siya sa taping para sa pagtatapos ng season 2 pero hindi na ito sumipot.

Hinihinalang ikinaloka ng young actress ang pagkakatsugi niya kaya hindi na nakasipot sa final episode niya.

Bukod kay Roxanne, ang isa pang natanggal sa show ay si Dianne Medina.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES