Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, March 26, 2009

Sarah Geronimo talo ni Toni Gonzaga sa maraming bagay

SUPER-REACT ang fans ni Sarah Geronimo sa ranking na No. 15 lang ang idolo nila sa “50 Most Powerful In Showbiz” na inilahat-hala ng Yes Magazine.

Bakit daw nauna pa si Toni Gonzaga who ranks at No. 14?

Ang ibinigay na reason ng Yes ay dahil nagko-command ng mas ma-laking talent fee si Toni (P500 thou) sa pelikula kung ikukumpara kay Sarah na P200 thou lang daw.

In fairness din kay To-ni, she is a multi-media star.

She is into movies, TV, recording, concerts and what have you.

Ang dami-dami rin ni-yang endorsements.

Not to mention ang pagiging premiere host niya (after Kris Aquino) sa ABS-CBN.

Kumikita ang lahat ng movies niya (all are in the P100M plus category).

Saleable ang kanyang albums at sold-out din ang kanyang concerts.

She is also the “face” of all PBB editions and PDA.

Kaya hindi talaga dapat kuwestyunin ng fans ni Sarah si Toni!

* * *

MABILIS mag-react ang fans ni Sarah Geronimo kahit sa kaliit-liitang intriga sa kanilang idolo.

Ang latest nga ay ang lumabas na talent fee ni Sarah sa dalawang box-office hits niya na A Very Special Love at You Changed My Life na nai-lathalang P200 thou at P300 thou respectively lang ang ibinigay na TF sa pop princess.

Hindi matanggap ng fans na sa kabila ng mil-yung-milyong kinita ng dalawa pelikula (more than P180M each) ay ganoon lang ang TF ng kanilang idolo.

Obviously, hindi alam ng fans ang kalakaran sa showbiz.

Si Sarah ay homegrown talent ng Viva Films.

Siya ay na-discover sa isang singing contest na produced ng Viva hosted by Regine Velas-quez noon.

Kinontrata siya ng Viva for 10 years at mula noon ay sinimulan na si-yang hulmahin at i-build-up to what she is right now.

Kumbaga, malaking puhunan din ang ginugol ng Viva sa pagpapasikat kay Sarah.

Kaya naman kahit paano ay understandable lang kung bumawi ang Viva sa kanilang “investment.”

Kasi in fairness, hindi nila pinababayaan si Sarah.

Sunud-sunod ang projects nito at ang dami nilang ibinigay na endorsements at shows abroad kay Sarah.

Normal lang na maliit ang TF ng isang artista sa isang kumpanyang naka-discover at nag-build-up sa kanya.

Kaya nga nagdi-discover ang networks at film companies ng kani-lang homegrown talents para makatipid sila sa talent fee at maka-build-up sila ng sariling mga artista na “kontrolado” nila.

For example, kaya nandiyan ang mga reality talent search tulad ng StarStruck, Pinoy Big Brother, Pinoy Dream Academy, Survivor Philippines, Pinoy Fear Factor, Pinoy Idol at iba pa ay para makapag-create sila ng sariling talent pool.

Sobra na kasing mag-demand ng TF ang managers ng independent artists na hindi nila hawak.

Tama rin ang paha-yag ng Star Cinema na wala silang kinalaman sa talent fee ni Sarah sa nasabing dalawang pelikula.

Kasi co-prod ito ng Viva Films.

So, ang ibig sabihin, ang Viva ang may sagot ng TF ni Sarah since hawak nila ito.

Ganito rin daw ang kalakaran sa TF ni Anne Curtis kung co-prod ang Star Cinema at Viva tulad sa pelikulang When Love Begins.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES