Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, March 19, 2009

Willie Revillame as senator in 2010?

NAGIGING usap-usapan na nakikitang madalas na kasama ni Wowowee host Willie Revillame ang isang batambata at magandang congresswoman, lalo na sa mga private party.

Marami na ang nakapapansin nito at ang pagiging “malapit” ni Willie sa kong-resista ang kumukumpirma sa mga naglabasang report na tatakbo ito bilang senador sa 2010 national elections.

Ayon pa sa latest na chika, guest ang popular TV host sa katatapos na birthday party ni Rep. Rachel Arenas at si Willie lamang umano ang tanging male personality na laging nasa tabi ng magandang kongresista hanggang matapos ang party.

Maging sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Senate president Juan Ponce Enrile, mga espesyal na panauhin sa naturang party, ay narinig na pabirong tinanong ang ina ng kongresista na si Mrs. Rosemarie “Baby” Arenas kung “Kami na ba ang magiging ninong?” patungkol sa posibilidad na “kasalan” nina Willie at Rep. Rachel.

Kinakatawan ni Rep. Rachel ang ikatlong distrito ng Pangasinan at sa idinaos na birthday party niya unang nakita na laging katabi si Willie.

Maraming sources mula sa entertainment at political circle ang nagkukumpirma na madalas ding makita ang dalawa sa iba pang pribadong pagtitipon.

Nang hingan ng comment si Mrs. Baby Arenas tungkol sa dalawa ay “approve” sa kanya kung saka-ling may relasyon man ang kanyang dalaga kay Willie.

Ipinagmamalaki pa uma-no ni Mrs. Arenas sa kanyang close friends na “they make a beautiful couple” at puring-puri ang pagiging down-to-earth ng komed-yante.

Maging ang mga kaibigan ng dalawa ay natutuwa sa posibilidad na magkatulu-yan ang isang congresswoman at future senator.

Idagdag pa ang lumabas na bagong survey ng Pulse Asia na tiyak ang panalo ni Willie sa pagka-senador sakaling tumakbo ito sa 2010.

Ayon sa survey, malaki ang tsansa ni Willie dahil sa kanyang pagiging popular at nakaka-relate siya sa masa.

Nakilala ni Willie ang magandang mambabatas nang imbitahan nito ang mag-inang Arenas sa kanyang noontime show na Wowowee.

Simula noon, kuwento ni Mrs. Arenas sa kanyang close friends, lagi na silang nag-uusap ng komedyante at tinatratong parang sari-ling anak na ito.

Sa mga komentong ito ni Mrs. Arenas ay lalo dumami ang ispekulasyon na buong pusong susuporta-han nito si Willie sakaling tumakbo itong senador sa nalalapit na eleksiyon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES