Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, April 09, 2009

ABS-CBN katuwang sa selebrasyon ng Baguio City

Sa pangunguna ng Regional Network Group, ang ABS-CBN na ang opisyal na kabalikat ng Baguio Centennial Commission and Activasia para sa isang espesyal at hindi malilimutang selebrasyon.

Ang pakikipag-ugnayang ito sa ABS-CBN ay resulta ng kagustuhan ng komisyon na ipalaganap sa buong Pilipinas, pati sa ibang bansa, na ang Baguio City ay ipinagdiriwang ang ika-100 taon bilang chartered city. Naging chartered city ang Baguio noong Setyembre 1, 1909.

Isang malaking karangalan naman para kay Manny de Luna, presidente ng opisyal na marketing partner ng centennial commission ang Activasia ang makatrabaho ang ABS-CBN network.
Isa sa mga festivals na kinalahukan ng ABS-CBN ay ang ika-100 taon ng Panagbenga Festival na nagpakita ng mas malaki at mas makulay na selebrasyon sa Baguio City.

Ilan sa mga nakalinyang activities ng centennial celebration ng Baguio ay ABS-CBN Kapamilya Karavan, Amazing Baguio! — The Baguio Centennial Adventure Race na isang kapana-panabik na adventure race kung saan ipapakita dito ang ganda at kasaysayan ng Baguio City. Magkakaroon din ng Baguio Centennial Charter Celebration bilang pag-alala sa 100th charter day ng Baguio City. Meron ding Grand Canao Festival naman at ang unang unang Electric Lights Parade ang inihanda para sa opisyal na pagtatapos ng selebrasyon.

Ang nasabing selebrasyon ay naglalayong kilalanin ang 100 lalaki at 100 babae, 100 posthumous awards, 100 institusyon, at 100 kataong nagpatatag at nagpasimula kung ano ngayon ang Baguio City.

Sa nasabing mga events, ang ABS-CBN ay magiging kaalalay sa buong selebrasyon para masigurong mapanatiling sariwa ang kasaysayan ng Baguio sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES