Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, April 13, 2009

Angel Locsin, gusto ni Edu para kay Luis

Nakausap namin si Edu Manzano sa taping ng bagong-bihis na PIlipinas Game KNB? at kinumpirma niyang inaayos na nga ang annulment ng kasal nila ni Maricel Soriano.

“In the process na,” he said.

Both sa civil and church?

“No, we only had one lang naman, sa church lang,” say niya.

Pero mailap pa rin siya na pag-usapan ang tungkol sa napapabalitang kasal nila ng girlfriend na si Pinky Webb.

“Huwag muna tsismis, trabaho muna tayo,” say niya na obviously ay umiiwas.

Pero sinagot ni OMB (Optical Media Board) chairman ang intrigang lumalabas na hindi boto ang pamilya Webb sa kanya for Pinky dahil nang minsang ma-interview umano ang kapatid nitong si Jason ay tila nagpakita raw ito ng indifference.

“No, alam mo namang hindi kami umaano, but we’re very close to the family. But you know, they’re a very private family and ayaw nila siguro mahila sila into. . .well, ‘yung buhay na ating nakalakihan.”

Tungkol sa tsismis na hindi boto sa kanya ang pamilya, ani Edu, “hindi naman siguro totoo ‘yun.”

Kinunan din namin ng reaksyon ang TV host at OMB chairman sa sinabi ni Maria na ayaw na nitong mag-asawang muli.

“Mahirap sabihin ‘yun. You know, I think, sometimes, especially these days, you just have to find the right partner. Many people, hindi nanini-wala sa ano, ’di ba?”

Tungkol naman sa napapabalita ring kasal nina Luis Manzano at Angel Locsin, ani chairman ay nasa edad na raw ang kanyang anak at hindi na rin siya magugulat kung isang araw ay magsabi ito na mag-aasawa na.

Boto raw siya kay Angel at ang favorite dialogue niya, “I like her”. Nakakarating daw sa kanya kung paano alagaan ng young actress ang ama nito.

“Kapag nakikita ko ‘yung mga pictures niya with her father, I see her with a lot of people, parang I could feel she’s very sincere. Parang tugma du’n sa anak ko, sa mga qualities niya because Luis is a really sincere person.”

Excited si Edu sa bagong format ng kan-yang game show dahil gi-nastusan pa raw talaga ito ng produksyon. If possible, gusto rin daw ni-yang magkaroon ng isang talk show at kasalukuyan na raw itong pinag-uusa-pan.

* * *

Ngayong araw na ito ang scheduled arrival ni Angel Locsin from Korea kasama ang grupo ng Only You and for sure ay maraming kwentong dala ang young actress since two weeks silang nanatili roon para mag-shoot.

Sa April 27 na ang airing ng Only You at sa April 21 ay magkakaroon na ito ng grand presscon.

Pinabulaanan ng Star Television ang intrigang support lang si Diet dito since sa Korean version ay hindi masyadong malaki ang exposure ng karakter ng aktor.

Sa local version natin ay hinabaan nila ang role ni Diet at dalawa silang leading man talaga ni Angel.

Sa Korea nga pala kinunan ang love scenes nina Sam at Angel na very vital sa story at panoorin n’yo na lang kung bakit.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 4:01 PM, Anonymous Anonymous said...

ang bait mo talaga angel....hope d kana nla sisiraan.....we love you

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES