Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, April 25, 2009

Angel Locsin, namudmod ng scholarship plan

Sa piling ng mga kababaihang supporter ipinagdiwang ni Angel Locsin ang 24th birthday last Thursday, April 23.

Nagkaroon siya ng small gathering sa Balay Kalinaw sa UP bandang alas-tres ng hapon, na tumagal hanggang mga 7 p.m.

Punumpuno ang Balay Kalinaw ng female supporters ni Angel, sa pangunguna ng Gabriela, kung saan ay miyembro rin ang young actress.

Naroon din ang kababaihang members ng kanyang iba’t ibang fans club.

Binansagang “Angel for Women” ang nasabing affair at doon ay namahagi ang young actress ng apat na scholarship mula sa ABE International Business College, isa sa kanyang bagong endorsements.

Ang apat na recipients ng scholarship (three from Gabriela at isa naman mula sa fans club niya) ay makakapag-aral nang libre sa AMA Computer School.

Ayon kay Angel, alam niya ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga kababaihan kaya hiniling niya sa ABE na bigyan siya ng scholarship para ipamahagi sa kanyang supporters.

Dito man lang daw, maibalik niya ang walang sawang pagsuporta na ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Nang nagdaaang gabi naman, biniyan siya ng asalto sa taping ng Only You.

Siyempre, present ang cast ng Only You, sa pangunguna ng dalawang leading men niyang sina Sam Milby at Diether Ocampo.

Of course, narooon din ang boyfriend niyang si Luis Manzano, na tinapos lang ang asalto at lumipad na patungong New York Huwebes ng tanghali para mag-shooting ng In My Life with Gov. Vilma Santos and John Lloyd Cruz.

Thursday night, nagkaroon din ng small party si Angel sa bahay niya sa Commonwealth para naman sa kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Kahit wala ang boyfriend, say ni Angel, prinamis niya sa sarili na hindi siya masa-sad dahil masaya siya para kay Luis sa napakagandang proyektong gagawin nito.

At 24, walang maipapangako si Angel sa kanyang fans kundi lalo pang pagbutihin ang mga ibibigay na proyekto ng ABS-CBN at Star Cinema.

Right now, ang focus niya ay sa Only You, na magsisimula na sa April 27 at excited siya dahil ibang karakter naman ang kanyang gagampanan bilang Jillian.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 11:09 PM, Blogger brilliant reader said...

This blogsite is invited to participate PBOB. visit www.brilliantauthors.blogspot.com and see the mechanics.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES