Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, April 06, 2009

Angel Locsin, pinagbawalan si Luis sa mga luho

Hindi napigilang mapaiyak ni Luis Manzano last Saturday sa Entertainment Live matapos mapanood ang mga VTR messages and greetings ng pamilya, kaibigan and of course ng girlfriend na si Angel Locsin dahil sa nalalapit niyang kaarawan.

“Kulet, happy birthday, happy birthday sa atin. Sana kung ano man ’yung luho na gusto mong bilhin ngayong taon, sana ‘wag mo na munang bilhin. Ang dami mo nang watch na nabibili tsaka shoes, bags…Tama na muna. Binabawi ko na ’yung [sinabi ko dati na] 26 years old ka na naka-backpack ka pa rin. I love you so much,” mensahe ni Angel.

When it was time for Luis to say his piece, nagulat na lang ang lahat nang bigla siyang mapaiyak.

“Sa lahat ng interview, sa VTR, thank you so much for the love. Angel, that’s pretty obvious, I really miss you. And to my Entertainment Live family, I’ve been alive for 28 years but this is one of the very, very few moments na I felt most loved and I will eternally be thankful na pinili n’yo ako na makasama sa show n’yo. I love you guys so much,” say ni Luis.

Hindi namin alam kung na-touch lang talaga si Luis o dahil sobrang nami-miss niya si Angel kaya siya napaiyak lalo pa nga’t kasalukuyang nasa Korea ang young actress with Sam Milby na napapabalitang pinagseselosan ni Lucky.

* * *

Pero sinagot din naman ni Luis sa Sixrets segment ng E-Live ang isyung pinagseselosan niya si Sam.

“Ang pinaka-importante, I trust Angel. So, for me that’s the best thing about it. At kung ano man ang ginagawa nila, the same thing na ginawa nila for Lobo and Love Me Again, ay ’yun ang gagawin nila para sa Only You,” he said.

Ayon pa kay Luis, hindi raw totoo ‘yung lumabas na na-quote pa siya kung saan ay sinabi niyang kung may kaiinsekyuran siya, ‘yun ay si Sam Milby dahil wala raw ganu’ng interview.

Sinagot din ni Luis ang tsismis na may plano silang pakasal nang lihim ni Angel sa USA.

“Isang napakalaking rumor ‘yan. Unang-una hindi kasama si Angel sa States, hindi rin siya makakasunod dahil nga sa teleserye nila. And like what I’ve said in countless interviews, kung ako ang feeling ko ang dami ko pang dapat gawin, I believe that Angel has a brighter future, so ang dami pa niyang kailangan gawin,” say pa ni Flash Bomba.

ASAP 09 Luis Manzano's Birthday

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES