Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, April 26, 2009

BB Gandanghari di pinapasok sa bar

Nag-emote si BB Gandanghari sa kanyang Internet blogspot dahil ipinagbawal daw ng manage­ment ng Aruba Bar & Restaurant sa Metrowalk na makapasok siya.

Ipinagbabawal daw kasi ng management ang mga cross-dresser sa loob ng kanilang bar at nangyari na ito noon kay Inday Garutay.

Nag-e-emote si BB dahil babaeng-babae ang kanyang pakiramdam at tingin sa sarili kaya hindi makatarungan na hindi siya papasukin sa Aruba Bar. Hindi raw niya tuloy napanood ang show ng kanyang friend na si Rannie Raymundo.

Ang alam ko, walang nangyari noon sa reklamo ni Inday laban sa Aruba Bar. Kusang namatay ang isyu pero nabuhay uli ito dahil sa nangyari kay BB.

Imbes na mag-emote at maimbyerna si BB, mas makabubuti na dedmahin niya ang nangyari. Igalang na lang ni BB ang rules ng Aruba. After all, marami pang bar sa Metro Manila. Hindi ang Aruba ang nagsosolong bar, ‘di ba?

* * *

Sinubukan ng Startalk staff na kunin ang panig ni BB tungkol sa pagka­imbyerna niya sa Aruba Bar & Restaurant.

May nag-try din na kunin ang side ng Aruba management pero walang sumasagot sa telepono nila. Maaga pa kasi ng tumawag ang mga reporter sa office ng Aruba pero hindi raw sila titigil hangga’t hindi nakukuha ang panig ng management.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 1:45 PM, Anonymous Anonymous said...

alam naman nyang bawal pumasok ang katulad nya pro gusto parin humirit.

ano ka baliw at sisirain mo pa magandang reputasyon ng establishment ng club na yon.......hehehehehe

butata.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES