Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, April 22, 2009

Derek Ramsay admits liking Kristine Hermosa

MATAGAL na palang crush ni Derek Ramsay ang leading lady niya sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka, Maruja? na si Kristine Hermosa.

Hindi ito naitago ni Derek nang tanungin ng press sa presscon ng TV show kahapon.

Kaso, kumambyo agad si Derek. “Noon talaga crush ko si Kristine. Pero siyempre, iba na ngayon ang crush ko.” Na very obvious namang si Angelica Panganiban ang tinutukoy.

Eh, what if wala pa sa buhay niya si Angelica? Liligawan ba niya si Kristine?

“Kung single siguro ako at walang commitment, why not? Pero siyempre, depende pa rin ’yon kung single rin siya, ’di ba? But she’s very nice. I really love working with her,” kuwento pa ni Derek.

Kasama rin sa Nasaan Ka, Maruja? si Karylle, na gaganap bilang half-sister ni Kristine.

Si Derek naman ang lalaking pag-aagawan ng dalawang aktres. Kumusta ang feeling na pinag-aagawan siya ng dalawang babae?

“Sa plot lang naman ng story ng Maruja ’yon, not in real life. Hindi ko pa ’yon na-experience. Pero flattered ako na ako ’yung nai-cast nila to play that role.”

Samantala, natutuwa naman si Kristine dahil nakabalik ulit siya sa telebisyon. Huling napanood ang dalaga sa Prinsesa ng Banyera kasama si Ara Mina.

“Matagal na rin akong walang series, kaya nu’ng nalaman ko na magiging part ako ng Maruja, sobrang na-excite akong mag-taping,” kuwento pa ni Kristine.

Regarding her lovelife, wala pa ring direktang pag-amin mula sa dalaga tungkol sa relasyon nila ni Oyo Sotto.

“Basta I’m very happy sa nangyayari sa buhay ko ngayon. I hope it will last forever. Hahaha!” sambit pa niya.

Sa May 2, Sabado, na mapapanood ang Maruja sa ABs-CBN pagkatapos ng Cinema FPJ.


[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES