Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, April 23, 2009

Derek Ramsay di sineseryoso si Angelica

Sa pag-amin ni Derek Ramsay sa presscon ng Komilks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja? na crush niya noon pa ang leading lady na si Kristine, marami ang kumantiyaw sa kanya na baka pag-awayan nila ito ng girlfriend na si Angelica Panganiban.

Pero sure ang aktor na hindi raw ito magiging dahilan ng pag-aaway nila ni Angel.

“To tell you the truth, we haven’t spoken about it. Hindi namin napag-uusapan. Pero kami naman ni Angel, ang selosan namin, puro biruan lang, eh,” he said.

Nahingan din ng reaksyon si Derek sa sinabi ni Angelica na kapag hindi pa siya niyaya ng aktor na magpakasal at this age, hahanap siya ng ibang lalaking magpapakasal sa kanya.

“Well, I don’t think she meant that. If she does, yeah, I’ll feel bad and I have to do something about it,” say niya.

At ano naman ‘yung ‘something’ na ‘yun?

“Well, kung importante talaga sa kanya ‘yan, then, ibibigay ko sa kanya,” he said.

Bakit hindi na lang siya magkusa?

“Alam mo, like I said, I live each day at a time. Baka one day, paggising ko bukas, ‘yan ang napi-feel ko, sasabihin ko talaga ‘yan. I say what’s in my mind and what’s in my heart.

“Pero kilala ko si Angel, she says a lot of thing she doesn’t mean. Palabiro ‘yan, eh.”

Pero inulit niya na kung seryoso naman daw talaga ang girlfriend, nasa kanya na raw ’yun to do something about it.

Ready na ba siya kung sakali na magkaroon ng pamilya?

“Ayokong magkaroon ng pamilya kung hindi ko sila mabibigyan ng oras. And right now, hindi ko nga mabigyan ng oras ang sarili ko, what more pa my family. Hindi ko nga nabibigyan ng oras ang dad ko, ang mom ko, ang brother ko, I’m not seeing my brother grow up.

“Right now, nasa Shanghai siya, nagku-compete, wala ako du’n para sumuporta. There are little things na gusto ko pang makita sa brother ko. Fifteen na siya ngayon.”

Sa ngayon ay happy raw siya sa magagandang nangyayari sa buhay niya lalo pa nga’t sunud-sunod ang projects niya. Start na ng airing ng Nasaan Ka Maruja? sa April 2 at sinisimulan na nila ang movie nila ni Angelica and Gabby Concepcion under Star Cinema. Bukod dito ay may dalawa pang serye na kasama siya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES