Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, April 26, 2009

Derek Ramsay, kakompetensiya ni Piolo

Si Derek Ramsay na nga yata ang pinaka-busy among the actors of his generation sa bakuran ng ABS-CBN at Star Cinema.

Si Derek ang isa sa dalawang leading men ni Kristine Hermosa sa bagong once-a-week afternoon TV series nitong Nasaan si Maruja? kung saan din kasama si John Estrada.

Nasa cast din siya ng isang movie na tinatampukan din ng kanyang nobyang si Angelica Panganiban at Gabby Concepcion, ang Broken Hearts (tentative title) na pinamamahalaan ni Laurice Guillen at kasama rin siya sa bagong TV series ni Anne Curtis, ang The Wedding ganoon din sa isang TV series na pinagtatambalan naman nila Judy Ann Santos, ang Habang May Buhay. Meron din silang episode ni Toni Gonzaga sa Precious Hearts.

Ang pagiging super busy ni Derek ang dahilan kung bakit madalas niyang sabihin sa mga interviews na wala pa siyang balak lumagay sa tahimik o ’di kaya’y magpakasal dahil wala pa umano siyang oras na maibibigay sa kanyang pamilya kung saka-sakali. Kahit ngayon nga ay hindi na sila halos makapag-bonding ng kanyang pamilya — ang kanyang parents at kanyang mga kapatid.

Dalawa sa kapatid ni Derek na babae ay may asawa na at tatlo na lamang silang walang asawa (ang isa pa niyang kapatid na babae, siya at ang bunso nilang kapatid na lalaki).

Sa ngayon, ini-enjoy na muna ni Derek ang kanilang relasyon ng kanyang GF na si Angelica na ka­hit pareho silang busy, nakakagawa pa rin sila ng paraan na magkasama lalo na ngayong may ginagawa silang movie under Star Cinema.

A couple of years ago, hindi sinasadyang nagka­sabay kami sa isang eroplano patungong Singapore. Sa airport ng Singapore, sandali kaming nagkausap at wala kaming kaalam-alam na muli kaming magkikita dahil sa iisang hotel pala kami naka-billet. Ang buong akala namin ay makaka-scoop kami dahil bukod sa guys na kasama ni Derek, meron ding isang girl. Yun pala ay kasama niya ang mga ito sa isang team na sumali sa isang sports competition (na nakalimutan ko na kung ano) na ginanap sa Singapore.

Unknown to many, bukod sa kanyang acting job, si Derek ay isang athletic person at aktibo ito sa iba’t ibang sports na kanyang kinakahiligan at makikita naman ito sa kanyang pangangatawan.

Kung maraming babae at bading ang nagnanasa kay Piolo Pascual, hindi rin nagpapahuli si Derek na siyang pinakabagong ‘pantasya ng bayan’. Siyempre pa, marami ang naiinggit kay Angelica dahil siya ang ‘nagma-may-ari’ kay Derek ngayon.

Si Derek ay iilan sa ating mga artista na marunong makisama, marespeto at higit sa lahat, propesyonal sa kanyang pinasok na trabaho kaya naman hindi siya nawawalan ng trabaho at tuluy-tuloy ang dating sa kanya ng mga blessings.

Speaking of Derek, nakapagpatayo na ito ng sarili niyang bahay, isang three-bedroom house somewhere in Sucat. Paghahanda na nga kaya ito ni Derek sa kanyang paglagay sa tahimik kung saka-sakali?

Matanong nga si Angelica.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES