Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, April 23, 2009

Diether Ocampo: I'ved moved on

Isa sa pinakamalaking pa-presscon ng ABS-CBN ang Only You nina Angel Locsin,

Sam Milby at Diether Ocampo dahil 130 ang invited press at may simulcast broadcast sa www.abs-cbn.com.

First presscon ito ng ABS-CBN na simulcast sa website ng network. Sa April 27 ang airing ng series na ’di muna sinabi ang eksaktong oras.

Nagluto ng Aligue Bibimpop si Angel bago ang Q&A, sayang at ’di pinatikman sa press, nahihilig magluto ang actress dahil sa Only You.

Cooking ang bago niyang passion at ’di raw niya akalaing mag-i-enjoy siya sa pagluluto. “Masarap palang magluto,” wika nito.

Pinansin ng press ang magandang aura ni Angel at ang inirason ay dahil wala siyang problema at masaya siya sa buhay niya with Luis Manzano. Dahil tungkol sa food ang tema ng Only You, tinanong si Angel kung anong klaseng pagkain sina Sam at Diether?

“Si Sam, Japanese food ang hilig, kaya sushi at tempura siya na napaka-elegante. Si Diether ay down-to-earth kaya adobo siya.

“Ako naman, favorite ko ang sinigang dahil una, mahilig ako sa kanin at ’di kumpleto ang sinigang ’pag walang rice. Hindi rin siya complicated ihanda, ’di maarte at madaling pakisamahan. Sinigang, puwera lang isda dahil parang lumalangoy.”

* * *

Nagpasalamat si Diether Ocampo sa nag-comment sa presscon ng Only You na mas guwapo siya ngayon. Masaya lang daw siya at kinalimutan ang mga problema lalo na ang nangyari sa kanila ni Kristine Hermosa.

“I don’t wanna comment, she’s part of my past at ang importante sa akin is the present and the future. I’ve moved on at masayang-masaya ako sa buhay ko ngayon. Noong nakita n’yo akong aburido, hindi ko pa nakikilala si Rima Ostwani (his girlfriend). Na-enlighten ako nang dumating siya sa buhay ko, sobrang bait niya at naiintindihan ang trabaho ko at hindi niya ako ipinagdadamot. This is the happiest moment of my life,” deklara ni Diether.

Samantala, sa aborted transfer niya sa GMA-7, sabi ni Diether lahat may rason kung bakit nangyari ‘yun. Ang importante raw, naayos niya kung anumang gusot ang nagawa niya.

“Ginawa ko lahat ang dapat gawin at ’di ko na dapat i-elaborate, ang importante, naayos lahat. Maayos ang naging pag-uusap and everything was settled amicably,” sabi nito.

Nag-distribute si Diether ng flyer ng Run with K.I.D.S. ng K.I.D.S. Foundation na gagawin sa UP Diliman sa May 31. Isa ang actor sa founder nito at isa sa kanyang pinagkakaaba-lahan.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES