Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, April 21, 2009

Eric Quizon inaayos ang foundation ni Dolphy

Ngayon lang nabigyan ng linaw yung maraming katanungan ng mga taga­subaybay ng local entertainment tungkol kay Eric Quizon. May ilang panahon na kasing nawawala sa eksena ang magaling na anak na ito ni Dolphy. Hindi naman pwedeng sabihing walang gustong magbigay sa kanya ng role dahil hindi lamang siya artista, isang magaling na artista, isa rin siyang nirerespetong direktor sa pelikula at maging sa telebisyon.

Kung hindi lamang siya biglang lumitaw sa pama­magitan ng isang role sa All About Eve, sasabihin na talagang tinalikuran na niya ang industriya.

“Hindi naman, katu­nayan, miss ko nang mag­trabaho. Pero, may trabaho ako sa Hong Kong, tatlong taon ang kontrata ko sa isang live entertainment company, mga isang taon na lang ang bubunuin ko. Kaya hindi ako makatanggap ng trabaho, I turned down seven directorial offers because of my work. But I can do mga short stints,” paliwanag niya.

Maaaring short stint lamang ang role niya sa All About Eve ng GMA 7 pero mahalaga ang kanyang role bilang may-ari ng isang TV network na kung saan parehong nagtatrabaho ang magkaribal na sina Erika (Sunshine Dizon) at Nicole (Iza Calzado).

Idinagdag lamang ang character niya from the original story. Pero ang character niya ay ayaw kay Frederico (Richard Gomez). Mas lalong lalaki ang disgusto sa pagitan nila dahil bibigyan niya ng magandang trabaho sa kanyang kumpanya si Katrina (Jean Garcia), ang babae sa nakaraan ni Frederico.

Sa episode ngayong gabi, sasabihin na lahat ni Katrina kay Robert (Eric) ang tungkol sa pagkakakulong niya at ang nakaraan nila ni Fred.

“Nami-miss ko talaga ang pag-arte, kahit nakakapagod. Pero hindi rin naman ako idle kaya madalas hindi ko naiisip ito. Inayos ko yung libro ng dad ko, mahirap yatang trabaho ito. Pumunta rin ako ng States para ayusin yung resort namin dun. I also helped in setting up a foundation for dad, gusto kasi niyang makatulong,” imporma ni Eric.

Nang tanungin ang kanyang reaksyon tungkol sa pagkakapigil ng annulment na hinihingi ni Zsa Zsa Padilla from her husband, sinabi niyang “Ke kasal sila o hindi basta masaya sila sa relasyon nila, they don’t really have to wait for the consent of Zsa Zsa’s husband, they don’t need it.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES