Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, April 13, 2009

Eric Quizon, nag-react sa Dolphy-Zsa Zsa wedding

Natawa si Eric Quizon nang hingan ng reaction sa nabitin na namang annulment ni Zsa Zsa Padilla, rason para hindi na naman matuloy ang kasal nito at ng amang si Dolphy. Dapat daw ang daddy niya ang tanungin, but later on, nagsalita rin si Eric.

“Ke kasal sila o hindi, ang importante masaya sila. They don’t need to get married. Matagal na silang nagsasama at masaya sila sa kanilang relasyon. They don’t have to get married. I don’t think they need it,” sabi nito.

Busy si Eric sa pag-aasikaso sa show ng mga Quizon sa Hong Kong sa April 19. Celebration ng 80th birthday ni Dolphy ang show at kasama siya at sina Zsa Zsa, Epi, Vandolph at Boy 2. Dadalhin sa Amerika ang show, inuna lang sa Hong Kong dahil special ang lugar sa ama.

Ang kikitain ng show ay mapupunta sa Dolphy Aid Para Sa Pinoy Foundation na nagpapaaral sa STI ng 15 students na mga anak ng OFW sa Hong Kong. Ang limang unang scholars ay i-a-announce sa show sa Hong Kong. Noong April 7, ginawa ang exams at ang makakapasa at makakapagbigay ng full requirements ang mapipili.

Based in Hong Kong si Eric at umuuwi lang rito ’pag may taping ng All About Eve na hindi niya natanggihan dahil maganda ang role niya bilang ama ni Mark Anthony Fernandez.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES