Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, April 13, 2009

John Prats, 10 years maghihintay kay Shaina

PUMAYAG kaya si John Prats to wait for 10 years, bago finally ay tuluyan niyang mapakasalan si Shaina Magdayao?

Well, ayon kay Shaina, edad 29 siya mag-a-asawa. She’s only 19. John naman is 26.

At the moment, feel na feel ni Shaina na si John na ang tamang lalaki para sa kanya. Pero, naniniwala rin siyang ’di pa ito ang panahon para siya mag-asawa. And not just because feel niya bata pa siya, kung hindi ang dami dami pa niyang plano sa buhay, na may kinalaman sa wish niya na maging financially stable siya, bago, wika nga, lumagay siya sa tahimik.

Do you know that this early nakapagpatayo na si Shaina ng 18-door apartment which she’s renting out?

Located somewhere near Commonwealth Avenue, lahat ng unit consists only of one bedroom, a kitchen, a dining room and, of course, a living room. Natural na may banyo at toilet ito.

“Mura ko lang ipinare-renta ang bawa’t unit,” ani Shaina. “When I had it built, I wanted na affordable ito sa mga estudyante.

“’Di ba mura na ang P3,500 na rent per unit?”

Right now, on the lookout siya ng lote, somewhere near a mall na mapagpapatayuan niya ng rows of apartment. This time, she’ll have it rented out at a higher price. Tulad daw ng kanyang Ate Vina (Morales), who has about 10 apartment units, malapit sa Sto. Domingo Church in Quezon City which she rent out for more than P10,000 a month.

Speaking of her Ate Vina, she’s the reason why ang plano sana ng kanilang pamilya to spend the Holy Week sa Boracay ay di natuloy.

By the time this issue comes out, baka nakapa-nganak na si Vina. Ayon kasi sa obstetrician ng kanyang Ate Vina, Biyernes Santo ito manganganak.

Ayon kay Shaina, ang kanyang Ate Vina na daw ang pinakamagandang buntis na nakita niya. Wala daw siyang manas na napansin dito.

Kahit daw sobra ang idinagdag ng timbang nito, kaayaya pa rin ang mukha.

Bale pampitong pamangkin na niya ang isisilang ng kanyang Ate Vina. Apat ang kanyang pamangkin sa kanyang Ate Shiela, na ang panganay ay 14 years old.

Ang nag-iisang anak ni German Moreno, si Federico, ang napangasawa ng kanyang Ate Shiela.

Isang U.S. based na Pilipino naman ang mister ng kanyang kapatid na si Sheryl. Dalawa ang anak nito na parehong lalaki.

Wala raw alam si Shaina kung isusunod ni Vina ang apelyido ng anak sa Chinese father nito. Basta ang alam niya, babae ang panganay ng kanyang Ate Vina at papangalanan itong Ceanna.

Samantala on April 20 na ang simula ng kanyang bagong series, Kambal Sa Uma, on ABS CBN where she plays na kakambal si Melissa Ricks, who are both ipinaglihi sa daga.

But between them, it’s Ella (Melissa) who has the features of a daga. In Vira’s (Shaina) case, may mga bu- hok siya sa likod tulad ng sa daga. It takes daw an hour para idikit ang mga nabang-git na buhok sa kanyang likuran.

Melissa, on the other hand, has to submit every taping day to rigid prosthetic make-up for two hours, took her role.

“Mahirap, pero, nakaka-excite,” sabi ni Melissa.

Teamed up with them are Jason Abalos (for Shaina) and Matt Evans (for Melissa). Direction: Manny Palo and Rechie del Carmen.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES