Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, April 21, 2009

Jon Avila na-starstruck kay Juday

Si Jon Avila ang ipinalit ng Regal Entertainment kay Akihiro Sato na leading man ni Judy Ann Santos sa Oh, My Girl! (OMG!). Kuwento ng actor, bigla na lang siyang tinawagan ng handler niya at sinabing mag-report sa shooting at natuwa nang malaman kung sino ang makakasama.

Sa first day shooting, nahiya siya kina Judy Ann at Ogie Alcasid dahil mga big stars at siya’y pang-fourth movie pa lang ang OMG!

“Pero ang sarap ng feeling na makasama sa movie nila. Ang sarap and I feel blessed and privileged. It’s good to be working with big stars, but I feel inadequate dahil two years pa lang ako in the business. Sino ba naman ako?

“Na-starstruck ako kay Judy Ann and what is funny is, I called her darling sa first meeting namin. Yun ang name niya sa movie, nahiya nga ako at baka sabihing sinadya kong tawagin siya ng ganun,” paliwanag ni Jon.

First movie rin ni Jon sa Regal at itsinika sa kanya ni Mother Lily Monteverde na ang anak nitong si Roselle Monteverde-Teo ang pumili kay Jon at lalong nanliit ang actor. Magpapasalamat daw siya ’pag nakita niya si Roselle.

Kinumusta namin kay Jon si Rufa Mae Quinto na kailan lang ay nali-link sa kanya. Hindi na raw sila masyadong nagkikita ng kanyang “friend,” pero textmates sila. Pagbalik ng actress mula sa States, nag-text ito para sabihing she’s back, pero ’di na sila nagkikita.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES