Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, April 18, 2009

Judy Ann Santos dedma pa rin sa kasal

Laging masaya ang shooting ng Oh, My Girl! nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid at naaaliw ang actress na bigla na lang kakanta si Ogie bilang pang-alis ng pagod at stress.

Nang bumisita kami sa shooting noong Monday evening, si Mel Martinez ang nag-cameo and the night before, si Regine Velasquez ang nag-guest bilang P.A.

By June, tapos na ang pelikula na July ang playdate at matutuwa si Direk Dante Garcia sa sinabi ni Ogie na “this is the most perfect set” dahil mabait ang director at mga kasama at lahat masayang katrabaho, kaya minsan ayaw niyang umuwi kahit wala na siyang eksena.

“Gentle, makanta, madiyeta, at nakakatawa kahit walang eksena,” ang description ni Judy Ann kay Ogie at honored siyang tinanggap nito ang project with her.

First time makakasama ni Ogie sina Judy Ann, Carmi Martin, John Prats, Jon Avila at Roderick Paulate at reunion nila ito ni Manilyn Reynes, na hindi raw niya naging girlfriend.

Samantala, hindi maiwasang tanungin si Judy Ann sa nalalapit na kasal nila ni Ryan Agoncillo, pero talagang ayaw nitong magkuwento.

Mas open itong pag-usapan ang nabili nilang two-storey, four-bedroom house. Tapos na ang interior ng bahay, pero may ipinadagdag sila at hinihintay ang mga biniling furniture.

“Hindi masyadong malaki ang bahay, enough lang sa amin. Tama lang siya for our friends na puwedeng mag-crash at gustong mag-hang-out, pero bahay na gusto mong uwian.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES