Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, April 18, 2009

Kim Chiu: Bad luck ang swimming pool sa bahay

MALAS nga ba ang swimming pool sa bahay?

Well, obviously, ito ang paniniwala ng teenage actress na si Kim Chiu, kaya wala siyang balak magkaroon ng swimming pool sa ipatatayong bahay this May sa loteng (600 square meters ang laki) nabili sa Loyola Grand Villas, Quezon City.

Pamahiin ba ’yan ng mga Chinese?

Tumango si Kim.

No wonder, sa kung ilang ulit nang pagpapa-renovate ng bahay sa Greenhills ni Mother Lily Monteverde, na Chinese rin, never kaming nakakita ng swimming pool.

Which reminds us of a popular action star (not Ronnie Poe, ha?) many years back who had a house built sa isang plush subdivision sa Quezon City din. Ang swimming pool ay inilagay sa mismong living room ng bahay.

So unique was the idea that it became a conversation piece among him and his friends.

But guess what? Bago pa man sila makalipat sa bahay, nabaril ang popular action star at namatay.

Kung sabagay, kanya-kanyang belief naman ’yan.

Basta ito ang masasabi namin, Ian F., prayers and our deep faith in Him are the two things that we should allow to matter always. We will not go wrong.

* * *

Walang kaduda-dudang si Kim nga, Ian F., ang pinaka-popular na teenage star sa TV ngayon, lalo na kung TV series ang pag-uusapan.

Since Sana Maulit Muli, which displayed Kim’s dramatic prowess, paulit-ulit na ang kanyang paggawa ng teleserye na mapa-primetime man o hindi ay nagre-rate.

She proved she can also do comedy via My Girl. Tulad ng Sana…, My Girl also teamed her up with Gerald Anderson.

Ganundin ang afternoon series na My Only Hope, na muli nilang pinagtambalan ni Gerald and which co-starred them with Niña Jose and Enchong Dee.

But the series they did together which really took the cake, wika nga, ay ang Tayong Dalawa, kung saan tampok din si Jake cuenca at ang mga beteranong artistang sina Helen Gamboa, Gina Pareño, Agot Isidro at Cherry Pie Picache.

Kim also has the most number of endorsements among young stars her age.

May mahihiling pa ba siya sa birthday niya bukas, April 19 (she’s turning 19)?

“Siguro, ang makita ang Mama ko?” madamdaming sagot ni Kim.

Matatandaang noong nasa loob ng Bahay ni Kuya sina Kim at Gerald for the Pinoy Big Brother Teen Edition 1, binanggit niyang bigla na lang silang iniwanan ng kanilang ina.

Kaya, naiwanan sila sa kanilang lola (paternal), lalo’t nang magkaroon ng bagong pamilya ang kanilang ama.

In fairness to her dad, he’s looking after Kim dito sa Maynila. Ang tatlo niyang mga kapatid kasi ay nasa Cebu. May trabaho na roon ang ate niya at ang dalawa naman ay nag-aaral pa.

May regalo na sa kanya si Gerald?

“Wala pa,” tugon ni Kim.

On her 18th birthday last year, Gerarld gave her a pink car, which she is able to drive herself at ginagamit niya lang on important occasions.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES