Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, April 17, 2009

Kim Chiu takot iwan ni Gerald Anderson

Aminado si Kim Chiu na natatakot siyang mag-isa sakaling matuloy ang tambalan ng kanyang ka-‘MU’ at loveteam na si Gerald Anderson at ni Sarah Geronimo. “Hindi ko alam kung kakayanin kung mag-isa o kung tatanggapin kami ng fans na ibang ka-loveteam,” sagot ng bagets na aktres na bagay ang kapayatan.

Kuwento pa ni Kim, wala naman silang commitment ni Gerald. “Para walang sakitan pag may nangyari,” sabi pa ni Kim.

Lumabas na ang balita na sina Gerald and Sarah na ang susunod na magta­tambal pero nag-react negatively ang fans nila.

Samantala, tumapat ng Linggo ang 19th birthday niya. Pero tuloy ang trabaho. Nasa ASAP siya at gusto pa niyang tumanggap ng work after para wala siyang ibang maisip gawin.

Pero ayaw niyang magbigay ng particular na gusto niyang regalo ng ka-loveteam dahil baka ibigay na naman sa kanya.

Binigyan siya ni Gerald ng pink car last birthday niya na paminsan-minsan lang niya nagagamit.

Actually, napakabilis na nakalipas ang isang taon mula nang mag-celebrate ng kanyang engrandeng debut.

Same time last year, nadagdagan ang excitement ni Kim ng kumpirmadong siya ang gaganap na Jasmine sa local version ng sikat na Korean telenovela na My Girl. Sa My Girl nagsimula ang tambalan nila, mas kilala bilang Kimerald, sa mataas pang level ng stardom dahil naging top-rater ng ABS-CBN ang nasabing show. Dahil sa tagumpay ng show, nasundan agad ito ng My Only Hope at ngayon nga, ang Tayong Dalawa.

Kasama sa mga plano ni Kim ang kumuha ng acceleration test sa Department of Education para makapag-college siya. Plano niyang kumuha ng business course dahil alam niyang hindi naman lifetime ang career at kailangan niyang mag-invest. Nakabili na siya ng lupa na papatayuan ng bahay.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES