Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, April 30, 2009

Kris Aquino: I felt we were used

SA press visit ng ilang entertainment press kay Kris Aquino sa taping ng Pinoy Bingo Night last Tuesday night, isa sa naitanong sa TV host ay ang kung ano ang naramdaman niya sa panayam nina Sen. Mar Roxas at Korina Sanchez sa Wowowee last Saturday.

Kung regular viewer kasi kayo ng The Buzz at SNN: Showbiz News Ngayon, ilang linggo nang ipinapangako nina Kris at Boy Abunda ang tungkol sa exclusive story ng engagement nina Korina at Sen. Mar.

In fact, sa SNN unang pumutok ang balita about the marriage proposal at pati ’yung engagement ring na ibinigay ng senador kay Korina ay sa naturang show din namin unang nakita.

Maging kami, nagulat nang makita namin ang couple sa Wowowee at doon unang nagbigay ng detalye about the marriage proposal na nangyari.

Ayaw sanang magsalita ni Kris tungkol dito dahil nangako raw siya sa kuyang si Sen. Noynoy Aquino, a close friend to Sen. Mar at ex-BF ni Korina, na hindi siya magsasalita.

Sa umpisa pa lang, napapaiyak na si Kris and the staff had to remind us na may show pa ang host nila at hindi pwedeng mamaga ang mata.

Pero hindi rin napigilan ni Tetay na maglabas ng sama ng loob.

“Partly, kay Boy ako napahiya. Kasi, hindi naman sikreto na si Boy, from the first (Manny) Villar campaign, was there, ’di ba?

“Tapos, pinakiusap ko ito (Mar and Korina story). In your line of work, alam n’yo ’yon, if it’s an exclusive, aalagaan mo. Puwedeng humingi ng concession sa ’yo na pang-alaga, gagawin mo, ’di ba?

“Hiningi ko ito kay Boy. Sabi ko, come election time, you can choose who you want, pero can you do this with me for the next few weeks? Umokey si Boy. Kasi ganu’n kami.”

Ayon kay Kris, ipinangako nina Sen. Mar at Korina ang sit-down interview with them. Pero, biglang nangyari ang trahedya sa asawa ni Ted Failon kaya na-delay ang panayam.

“The sit-down was supposed to be una sa Buzz or sa Rated K, hindi pa sure, pinagdedebatehan pa. And then, may series na prinamis sa akin. Na ako, sinabi ko kay Boy, let’s protect this exclusive. And let’s give them the concession, ’di ba?

“And then, nangyari ’yung sa Wowowee. Alam ko, hindi nila kasalanan, hindi nila ginusto. Pero napahiya talaga ako. Kasi, ako ’yung nakiusap.”

Naiintindihan naman daw niya ang sitwasyon at nakukuha niya nang buong-buo. Ang explanation nina Korina and Mar, hindi nila kontrolado ang sitwasyon sa Wowowee.

“The night before, they (Korina and Mar) were texting me na may Wowowee and because nga, it’s free-wheeling, hindi mo alam kung ano ang mangyayari. And if it’s okay daw. Alangan namang sabihin ko, don’t. Eh, ’di si Willie (Revillame) pa ang nagalit sa akin, eh, okay naman kami ni Willie, wala kaming problema.

“Ang point lang is, alam na nila, Wednesday kasi, hinihingan ako ng VTR for them para sa Wowowee, we could have preempted our entire Friday for them, para lang ’yung sit-down was ours. Sana, hinati. Eh, wala, eh.

“’Yung sa amin lang talaga, limang linggo ’yon na inaalagaan mo. Nu’ng sinabing hold muna because of what happened to Ted, nag-hold ka. On my end lang, everything, tinupad namin. Naiyak lang ako kasi parang ako ’yung naiipit.”

Pinanood din daw niya ang buong Wowowee episode na ’yon just to be sure kung ano ba talaga ang nangyari.

“Kasi umabot pa ito sa punto na pati sina Mr. M (Johnny Manahan) and Mariolle (of Star Magic), nag-e-explain. Sabi ko, wala. It was the sit-down interview.

“Kasi, sa akin prinamis, eh. And then I said it. I was honest enough to say na I felt we were used, and then, discarded.”

Bilang paghingi ng paumanhin, last Monday ay nagpadala raw ng six arrangements of flowers sa kanya sina Sen. Mar and Korina at nagpadala pa ng heartfelt letter.

Ayon kay Kris, na-touch siya sa effort ng dalawa.

Pero hindi pa siya nagre-reply at panay ang advice sa kanya ni Noynoy na mag-reply na’t okay na raw ’yon. Pero maaayos naman daw nila siguro ito bukod sa one of her closest friends si Korina, kinakapatid niya si Sen. Mar at parang pamilya na talaga ang turingan nila ng Aranetas way, way back.

Pero dahil sa nangyari, nagdesisyon daw si Boy na huwag muna nilang i-touch ang Mar-Korina story at pag-isipan muna nilang mabuti.

“Honestly, it’s the kahihiyan kay Boy. ’Yun ’yung totoo talaga. Nahiya ako na akala ko made-deliver ko for him, hindi ko na-deliver. So, napahiya lang ako. And ’yung situation is, ayokong mag-away kami ni Boy,” pagtatapos ni Kris.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES