Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, April 30, 2009

Kris Aquino naiyak sa sinirang pangako nina Mar at Korina

Kung si Kris Aquino ang masusunod, gusto niyang matuloy ‘yung pagtatambal nila ni Willie Revillame sa isang MMFF movie. Pero kung ang movie nila ay magiging hadlang para hindi makasali ang pelikulang gagawin naman ng friendship niyang si AiAi delas Alas kasama ang dating pangulong Joseph Estrada ay hindi bale na lang daw.

“My mom said na huwag na lang kung magkakaagawan pa kami ni Friendship (tawagan nila ni AiAi). Huwag ko na lang daw agawan pa si Erap dahil napakabuti nito sa kanya. Ever since she got sick he regularly sends her food and fruits. Takot din siya, baka tawagin akong muli ni AiAi ng impaktita,” anang masayang host ng bagong game show ng ABS-CBN, ang Pinoy Bingo Night, na sa malayong studio pa ni Kitchie Benedicto sa Marcos Highway kinukunan dahil malaki ito at may mataas at maluwang na bubong.

Pero kung si Kris ang masusunod, gusto niyang gumawang muli ng pelikula. Mas madadalian siyang gumawa ng movie kesa soap na mas malaking bahagi ng kanyang oras ang kakainin eh hands on siya sa pag-aalaga ng kanyang dalawang anak, lalo na si Baby James na hindi pa gumagaling sa tonsilitis. Kahit may yaya ito ay ayaw niyang pumayag na hindi siya ang kasama, kaya puyat na puyat siya dahil hindi niya iniiwan ito kahit saglit at hindi rin niya tinulugan.

“Habang mataas ang fever niya I stayed by his side, naka-suppository kasi siya and he feels uncomfortable.

“Ang hirap talaga to be a mom. When Baby James celebrated his birthday, we had a small lunch in the house. But my sisters brought cakes for him. Ang dami-dami niyang binlow. They also had food carts for him, ice cream, nacho kaya ang saya-saya niya,” kuwento niya.

Going back to her desire to make movies again, sinabi ng magaling na TV host na inuumpisahan na niya si James.

“I want to act again but I don’t want a guest role. Gusto ko pelikula, gusto ko maging nanay ni Santino (ang batang bida sa top rating series ng ABS-CBN na May Bukas Pa.”

Nang hingin ang reaksiyon niya sa sinabi ni AiAi delas Alas na mas close ito ngayon kay Sharon Cuneta kaysa sa kanya, sinabi niyang: “Siyempre, may movie sila, super cute nga ito. I believe it will be super duper strong.”

Nang tanungin naman siya kung payag siyang gumawa ng movie with the box-office comedy queen, sumagot siyang: “Maybe not a movie but a food series, yung para isang episode sa isang cooking show starring Gwyneth Paltrow, Mario Battali and a Spanish actress to be sponsored by Maggi. Gusto ko kasama rin namin si Juday (Judy Ann Santos), at siguro puwede kaming mag-travel around the country tulad nang ginawa nila sa Spain.”

Speaking of Juday, proud si Tetay na tutuparin nito ang ipinangakong sa kanila ni Boy Abunda ibibigay ang exclusive interview tungkol sa naganap nilang napaka-sikretong kasalan. Bilang sukli sa pagtitiwala ng dalawa, silang dalawa ni Boy ang sasagot sa flower arrangement sa wedding reception nina Juday at Ryan sa Sabado.

Napaiyak naman siya nang sa halip na sa kanya ay sa Wowowee nagpa-interview ang ikakasal na sina Sen. Mar Roxas at Korina Sanchez bagaman at naipangako ng mga ito na sa kanya magpapa-interview.

“Napahiya lang ako kay Boy dahil alam niya ang istorya at ang pangako ng dalawa sa akin. Inalagaan namin ang istorya para sa SNN ng limang linggo. Asang-asa ako dahil kinakapatid ko si Sen. Mar at may history kami ng matagal na pagkakaibigan ni Korina,” may luhang sabi ni Kris.

Tumanggap siya ng anim na pumpon ng bulaklak mula sa mga ikakasal at isang note na nagpapaliwanag tungkol sa mga naganap. Tinawagan din siya ng kanyang kapatid na si Sen. Noynoy Aquino para lamang sabihin na huwag na siyang magtampo at tanggapin na ang paliwanag ng dalawa.

Nangangako siyang gagawin ito bago operahan ang kanilang ina dahil: “Ayaw ko ng may negative vibes sa araw ng operation niya,”sabi niya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES