Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, April 22, 2009

Kristine Hermosa: Minahal ko nang sobra si Diet

Matagal-tagal ding hindi humarap sa isang press conference si Kristine Hermosa kaya naman ang daming tanong sa kanya kahapon sa presscon ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka, Maruja?, latest project niya sa ABS-CBN.

Huling napanood si Kristine sa Prinsesa ng Banyera at ang dami nang nangyari sa kanya since then, partikular na sa kanyang lovelife.

Ngayon ay totally free na siya unlike last year na hindi pa lumalabas ang desisyon ng korte sa nullity ng kasal nila ni Diether Ocampo.

Did she feel na parang nabunutan siya ng tinik nang mapawalang-bisa na ang kasal?

“Actually, hindi ko siya nakita ng ganu’n. Kasi, ’yung pinagsamahan namin ni Diet, hindi ’yon biro sa akin. Kumbaga, seryosung-seryoso ako ru’n. Minahal ko nang sobra si Diet, alam ko, ganu’n din naman siya sa akin.

“So, ’yung intention was really pure. Pero wala lang, eh. Parang it didn’t work out lang talaga the way na gusto naming mag-work-out. Hindi (ako) nabunutan ng tinik, hindi ganu’n ang naramdaman ko.

“Siguro, para sa akin, parang it’s just another chapter ng buhay namin na siguro, marami pa rin kaming dapat ma-realize talaga.

“Tapos, meron pa ring itinuturo sa amin si God na hindi pa namin nare-realize. So, lesson, eh. At saka experience rin,” mahaba niyang sagot.

Nalungkot din daw siya dahil ang tagal din nilang ipinaglaban ni Diet ang kanilang relasyon, pinilit nilang i-work-out, pero sadyang may mga bagay lang daw siguro talaga na hindi puwedeng ipilit.

Nahingan din ng pahayag si Kristine kung ano ang masasabi niya na at this point ay tila ready na naman daw na magpakasal si Diet with his new girlfriend.

“Really? Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa mga bagay na ’yan kasi hindi na kami nakakapag-usap. Pero kung ready na siya na makapunta sa level na ’yon, magiging kaibigan naman ako sa kanya.

“Sana bigyan niya ako ng chance na maging kaibigan niya, na makapag-usap na naman kami regarding that, na kailangan talagang pag-isipang mabuti kung ano ’yung papasukin niya, kailangang maging seryoso talaga siya.

“Kasi, ang sama lang ng ano na baka may masaktan na naman, ’di ba? Kumbaga, para pumasok ka sa ganu’ng bagay na ganu’n kaseryoso, hindi biro ’yon, eh, hindi ’yan parang laro na kapag ayaw mo na or pagod ka na, puwede mong iwan. So, kailangan talaga niyang maging siguradung-sigurado.

“So, ’yun lang ang concern ko. Gusto ko, more than anything else, maging masaya siya talaga at gusto ko, kung sinuman ’yung babaing pipiliin niyang pakasalan at makasama talaga habambuhay, gusto ko ’yung mahal niya talaga, ’yung napapasaya siya at naaalagaan siya talaga.”

As for herself, hindi niya raw masasabi kung kelan ulit siya darating sa puntong iyon at bahala na raw si God sa parteng ito.

Sa ngayon ay pine-prepare na muna niya ang sarili bago ulit pumasok sa isang relationship.

Definitely, hindi pa raw sila ni Oyo Sotto at hindi rin daw niya alam ’yung MU-MU (mutual understanding).

“Basta ang alam ko, mahal niya ako at nasa puso ko siya, pero sa ngayon, hindi pa talaga ako ready na pumasok sa isang relasyon. Malaki naman ang posibilidad dahil so far, siya lang naman ang lalaking malapit sa akin ngayon, wala namang iba.

“Pero hindi rin ako ’yung taong magsasabi na darating, hindi darating, ako, naghihintay na lang ng sign, ’pag si God na ang gumawa ng paraan, mangyayari na lang.”

Pero sinisigurado niya na kapag nagmahal siya ulit, definitely ay better Kristine na siya at hindi na mauulit ’yung dating pagkakamali.

Pero sobrang willing pa rin naman daw ang heart niya to fall in love again.

Anyway, since comeback project ni Kristine ang Maruja, excited siya about it. Ayon nga sa director na si Jerome Pobocan, kahit matagal na nabakante, hindi pa rin kumukupas ang acting prowess ng aktres.

Magsisimula na sa May 2 ang Nasaan Ka, Maruja? at kasama rin dito sina Derek Ramsay at John Estrada as her leading men.

Join din sa cast sina Karylle, Kitkat, Enchong Dee, Bing Pimentel at Gloria Romero.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES