Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, April 20, 2009

Luiz Manzano dedma sa b-day celebration ni Angel

Wala si Luiz Manzano kahapon sa birthday celebration ni Angel Locsin sa ASAP ’09. Nasa Boracay ang aktor for a commitment pero nag-iwan naman siya ng note para sa girlfriend na binasa ni Iya Villania na co-star din niya sa Only You.

Kitty-kitty pala ang term of endearment niya kay Angel at ang young actress naman ay Kulet ang tawag sa kanya. Kahit maikli lang ang note ng aktor, feel na feel mo naman ang love niya sa kasintahan.

Luis will be leaving for New York on April 23 sa birthday mismo ni Angel pero masaya naman silang maghihiwalay dahil magkasama nilang sasalubungin ang kaarawan ng young actress.

Isang buwang mawawala si Luis para i-shoot ang In My Life na movie nila ng inang si Gov. Vilma Santos and John Lloyd Cruz na nauna na sa New York.

Kahapon umalis ang Star For All Seasons habang si Loydie naman ay didiretso na roon matapos ang US tour concert with Sam Milby and Piolo Pascual.

Si Angel naman, pagkatapos mawala ng two weeks dahil sa taping ng Only You sa Korea, ay magiging super-busy dito sa taping ng serye nila nina Sam at Diether Ocampo at shooting ng movie niya with Aga Muhlach na sisimulan na ngayong April or May.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES