Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, April 24, 2009

Magkapatid na Toni at Alex Gonzaga paparada sa SUNDUAN ni Gener Gozum

Tuwing ikatlong taon ay isang malaking selebrasyon para sa mga taga Taytay, Rizal ang isinasagawang Sunduan, isang proyekto ng Sunduan Cultural Society Inc. Of Taytay,Rizal na pinamumunuan ng fourth termer chairman at kilalang fashion designer na si Gener Gozum.

Ngayong taong ito ay tinagurian nilang Sunduan... Sobrang Saya, Dobleng Sigla 2009 ang naturang festival.

Magkakaroon ng motorcade sa hapon at bubuksan ang exhibit ng visual arts at mga gawang gowns na denisenyo ng mga fashion designer ng nasabing bayan na susundan ng isang fashion show sa Event Center ng SM Taytay sa Mayo 2.

Libre ang entrance sa exhibit at may pagkakataon pang manalo ang mga panauhin sa raffle for that day.

Mahigit 200 pares ng mga kabataang babae at lalaki mula sa limang barangay ng naturang bayan ang magpaparada suot ang gowns at barong tagalog na gawa ng mga lokal na debohista.

Bukod sa mga kabataang ito ay may inimbitahan ding celebrities na sasama sa parada sakay ng tiborin sa May 3 sa alas-3 ng hapon.

Ilan sa celebrities na na kasama sa parada ay sina Toni Gonzaga na ang konsorte ay ang BF na si Direk Paul Soriano; kapatid ni Toni na si Alex; Celine Lim; Joshua Cadelina; co-hosts ni Kuya German Moreno sa Walang Tulugan na sina Pj Valero, Martha Joy, Derek at Mico Aytona; dating Star Magic na si Krista Sullivan; Jao Mapa; JC Castro; Jet Alcantara; Nene Tamayo; mga modelo mula sa Fashion Designers Association of the Philippines at si IC Mendoza.

Ang Sunduan ay ang pinakakahihintay na cultural event ng mga taga-Taytay kaya lahat sila ay tulung-tulong para mapaganda at maging bongga ang kani-kanilang barangay at sinasabi nilang mas mala-king selebrasyon ito kumpara sa kanilang pistang ba-yan at Santacruzan.

Sumuporta sa Sunduan ang Globe at Mary Kay, Rizal Gov. Jun jun Ynarez at mga lokal na opisyal, Taytay Mayor Juric Gacula at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Nais din ng mga lokal na opisyal ng Rizal na mailagay sa listahan bilang tourist attraction ng Department of Tourism ang Sunduan festival ng bayan ito.

Panawagan nina Gener Gozum, hermano mayor Juabilly Racho at Eleanor Esguerra Dapilos sa iba pa nating mga kababayan na saksihan ang Sunduan 2009 para makita ang ganda ng mga damit na gawa mula sa Taytay.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES