Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, April 24, 2009

Mariel Rodriguez nahipuan si Rafael Rosell

NAGING tampulan ng tukso si Mariel Rodriguez sa presscon kahapon ng pang-hapong serye ng ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers, dahil sa pagiging agresibo sa isang eksena nila ni Rafael Rosell.

Shocked ang press dahil habang supposedly ay tulog ang dalawa, nakadantay ang kamay nito sa harapan ng kapareha. Ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina ang nag-handle sa episode nina Mariel at Rafael na base sa Precious Hearts Romances series ni Rose Tan.

Aminado ang direktora na medyo nahirapan nga silang i-adapt ang ilang eksena mula sa pocketbook sa telebisyon. Sa istorya kasi ng episode nilang My Golly, Wow Betsy, pinakiusapan ni Rafael si Mariel na pagpanggap bilang misis niya.

“If you watch the episode, you’ll see na there’s a funny reason kung bakit nakalagay du’n ang kamay ko. Cute siya, hindi malaswa,” esplika ni Mariel sa nagmamalisyang showbiz writers.

Pambubuko naman ni Direk Cathy, habang nagte-taping sila’t dahil sa sobrang “init” ng mga eksena, nag-dialogue si Mariel ng, “Direk, parang mini-porn na ’tong ginagawa namin, ’no?” sabay tawa.

Actually, first time palang magkatrabaho nina Mariel at Rafael. “Masaya naman ang bonggang-bonggang two-day taping namin!” hirit pa ng dyowa ni Zanjoe Marudo.

“It’s important that you trust your director. Ours was more of fun, masaya talaga siya.

“When I accepted the project, alam ko namang may kissing scenes, so, walang problema,” dagdag paliwanag ng TV host.

Eh, kay Zanjoe, wala kayang maging problema ang pagiging daring niya sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers, na magsisimula nang mapanood sa Kapamilya Network sa Mayo?

Ani Mariel, “Siya rin naman, nakipag-kiss sa Dyosa, so, ngayon, pantay na kami. Wala siya rito at wala siya sa taping!”

Anyway, ang Bud Brothers series ay umiikot sa isang grupo ng college fraternity brothers na nagtayo ng isang negosyo, ang Bud Brothers Flower Farm.

Aasahan ng romance readers ang parehong tuwa at kilig na nababasa nila sa mga pocketbook sa pagpapalabas ng series sa TV, dagdag pa rito ang nakaka-excite na elemento ng mga bagong loveteam na hindi pa nakikita sa TV.

Pangungunahan ito ng sweet at sexy couple na sina Cristine Reyes at Jake Cuenca, Will Devaughn at Valerie Concepcion, Joem Bascon at Wendy Valdez, Ahron Villena at Maricar Reyes, Pinoy Fear Factor participantes na sina Manuel Chua at Janna Dominguez, kasama rin ang new hunk-singer na si Guji Lorenzana at Roxanne Guinoo, at John Prats at Denise Laurel.

May isa pang loveteam na dapat abangan sa pagtatapos ng serye.

Ang Bud Brothers series ay mula sa direksiyon nina Cathy at Jerry Sineneng at sa panulat sa telebisyon nina Mel Mendoza-del Rosario, Michiko Yamamoto at Joey Reyes.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

3 Comments:

At 3:12 PM, Anonymous Anonymous said...

Mariel and Rafael tandem is a very special on screen chemistry... Cute nila talaga. Please have them team up again. They have a good on screen chemistry. Cute na cute and talagang nakaka kilig sila... Since My Gulay Wow Bechay started I can't wait to watch every episode and I'm overly laughing with kilig in the house. Mariel is outrageously beautiful and Rafael is adorable and hot... Please another team up... Bitin kasi kami sa short ng team up nila. Marami silang napapa saya. Thanks Kapamilya.

 
At 3:30 PM, Anonymous Anonymous said...

ABS really hit another exceptionally great love team between Mariel and Raffy. Super enjoyable yung team up nila sa Precious Hearts. I know it's all short stories but pls. pls. have them do another team up together. Magaling silang dawala. Everyone at the house talks about the episodes nila. Sa youtube din. Thank you...

 
At 6:51 PM, Anonymous Anonymous said...

please pagkatapos ng episodes ng bud brothers, benta nyo po in dvd or vcd... sinurvey ko ung classmates ko and gusto daw nilang lahat except ung iba ko pong classmates kasi hindi po sila nanonood kasi marami daw na home work... please thanks

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES