Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, April 19, 2009

Matt Evans: Hindi ako nakikipag-sex sa kotse

Tatlong taon na sa showbiz si Matt Evans na kasama sa Kambal sa Uma bilang si Gabriel. Sinuportahan siya ng ABS-CBN kaya maganda ang takbo ng kanyang career. Malaking bagay na nagkaroon sila ng loveteam ni Melissa Ricks kaya dumami ang tagahanga.

“Maganda po ang chemistry namin ni Melissa at lalo pa naming ginagalingan ang pag-arte kaya siguro napapansin nila ng aming tambalan,” sey ni Matt.

Hindi ito apektado ng intriga dahil tinanong ng mga press people kung siya ba ang tinutukoy sa blind item na nakikipag-sex sa loob ng sasakyan.

“Bakit naman dun ko pa gagawin ang pakikipag-sex gayung may bahay naman ako o kahit sa isang pribadong lugar. Okey lang na intrigahin ako dahil hindi naman totoo,” anang aktor.

Nahirapan si Melissa sa isang eksena sa palengke at mainit ang pakiramdam nito dahil sa prosthetics. Feeling nito ay nanlalagkit siya sa pawis.

Bagama’t hindi niya napanood ang Kambal sa Uma na tinampukan noon ni Rio Locsin ay malinaw naman ang paliwanag sa kanya ng direktor at naintindihan niya ang mga nakalagay sa script. Nangingilabot si Melissa dahil 200 na totoong daga ang nakasama sa teleserye.

Ang Kambal sa Uma ay dinidirek nina Manny Palo at Rechie del Carmen.


[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES