Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, April 19, 2009

Only You crew, nahirapan sa Korea

Nahirapan pala ang limited crew na pumunta ng Korea para mag-shoot dun ng isang original Koreanovela na ginawan ng isang Filipino version. Ito ang Only You na nagta­tampok sa pinaka-bagong kumbinasyon ng artista na naisip ng ABS CBN, Diether Ocampo, Sam Milby at Angel Locsin.

Akala ng mga pumunta roon na spring na ang daratnan nila, pero sa halip inabutan pa nila ang winter.

Eh, sobrang lamig at hindi sila nakahanda, wala silang dalang makakapal na damit, kinailangan pa nilang bumili ng mga warmer clothes.

“Kokonti din kami kaya kailangan naming magtulungan, tinulungan namin ang mga crew na magbuhat ng mga equipments,” imporma ni Diether.

“Meron din kaming Korean crew who made it easier for us to communicate with the locals na hindi nagi-Ingles.

“Ang dami naming pinuntahan sa Korea. Binisita namin ang Nami Island na kung saan kinunan ang Winter Sonata. Pumunta rin kami sa mga local parks, shopping center. Nag-shoot kami sa Seoul para lamang sa cherry blossoms. Feeling ko napuntahan namin ang buong Korea para lamang maipakita namin ang kultura ng bansa,” dagdag pa ni Diet.

Tungkol naman sa kanyang dalawang co-actors, sina Angel at Sam, sinabi ni Diet na “Si Angel, ang sipag-sipag, madaldal din. Para siyang isang bata na lahat gustong puntahan, maraming gustong matutunan. Palagi ko siyang pinapayuhan, siguro dahil mas matanda ako sa kanya.

“Si Sam okay din. Marami kaming pagkakahawig kaya siguro madali kaming nagkahulihan ng loob. Pareho kaming mahilig sa sport, hilig namin pareho ang motorsiklo. Iisa rin ang gusto namin sa music. Sa grupo namin nina Angel, Iya Villania at Dimples Romana parang siya ang pinaka-baby.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES