Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, April 27, 2009

Pagtulong ni Angel Locsin, iniintriga

Natawa na lang si Angel Locsin nang matanong sa kanya kung may balak ba siyang pumasok sa pulitika dahil sa patuloy na pagtulong na ginagawa niya sa kapwa.

“Ay hindi po, huwag po tayong magkamali diyan,” maagap at nakatawang sagot ni Angel. “Gusto ko lang po talagang tumulong. At bilang isang babae, pakiramdam ko, obligasyon natin talaga na tumulong sa kapwa babae. “Dahil babae nga tayo, andiyan ’yung magkakaanak tayo, ganyan. So, andiyan ’yung mga kabataan. At karamihan din naman ng mga followers ko, mga kabataan. Pero wala ho itong churva sa pulitika. Tulong lang po talaga. Wala po akong nakukuhang kapalit, sa totoo lang. Tulong lang po talaga.”

Matatandaan kasing nang manalo si Angel ng P1M sa Pinoy Bingo Night ay ipinamahagi niya lahat sa audience at mga kaibigan sa loob ng studio ang napanalunan at wala siya talagang itinira for herself.

Nang nakaraan naman niyang kaarawan, namigay si Angel ng apat na scholarship plan sa mga kababaihan niyang supporters. Bukod pa dito ang aktibo niyang pagsasagawa ng charitable act sa iba’t ibang lugar at okasyon.

Pero aniya ay huwag na raw itong bigyan ng ibang kulay dahil walang-wala sa isip niya ang politics.

Samantala, excited na si Angel sa pagsisimula ng bago niyang teleserye ngayong gabing ito, ang Only You with Sam Milby and Diether Ocampo mula sa direksyon ni Rory Quintos.

Must see ang pilot week dahil dito mapapanood ang mga magagandang eksena sa Korea partikular ang Nami Island na isa sa pinakamagagandang lugar sa nasabing bansa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES