Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, April 20, 2009

Pamilya ni Juday kumpleto sa kasal nila ni Ryan

Nag-last shooting day na si Judy Ann Santos ng OMG: Oh, My Girl movie nila ni Ogie Alcasid last week, kaya may time na siyang paghandaan ang wedding nila ni Ryan Agoncillo na sabi ng actress, “Definitely, it will happen this year!,” pero ayaw pa ring sabihin kung kailan at kung saan gagawin, basta mangyayari na lang daw bagama’t matunog na sa susunod na buwan na ito.

Nasa bansa ang ama ni Judy Ann since January pa, kaya tiyak ang pagdalo nito sa kanyang kasal. Every after six months bumabalik pala ng ‘Pinas ang ama dahil may inaasikasong negosyo, kaya kompleto ang pamilya niya sa espesyal na araw sa buhay niya.

Bukod sa pag-aasikaso sa kasal, ang construction sa ipinadagdag na parte ng bahay nila ang kanyang inaasikaso at hinihintay din nila ang pagdating ng mga biniling furnitures. Ang description ni Judy Ann sa bahay nila ay “Hindi ganu’n kalaki, enough lang sa amin. Hindi hi-tech, tama lang for friends na gustong mag-crash, pero bahay na gusto mong uwian.”

Gusto ni Judy Ann na sa pasukan ay may bahay na sila at makahanap na rin ng progressive school para sa anak nilang si Yohan na magga-graduate sa Gymboree.

Samantala, matagal nang magkaibigan sina Judy Ann at Ogie, pero ngayon lang sila nagkasama sa pelikula. Nahawa siya sa pagiging masayahin nito at dobleng tuwa ang actress dahil nag-cameo si Regine Velasquez bilang production assistant. First time rin niyang maka-trabaho si Manilyn Reynes na “legend” na para sa kanya.

Sa July na ang showing ng masayang pelikula sa direksyon ni Dante Garcia na sabi ni Ogie ay very, very talented director at ang pagdidirek ng comedy ang gift at madetalye.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 9:09 PM, Anonymous Anonymous said...

buti naman na sinabi mong "legend" na si manilyn reynes and she's one of the greatest few actresses still visible in the industry...magaling talga yan...manood ako ng OMG because of her...MS.MANILYN REYNES is a combination of maricel soriano when it comes to comedy, CHARITO SOLIS when it comes to acting prowess VILMA SANTOS when it comes to popularity and SHARON,NORA when it comes to singing...san kapa???

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES