Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, April 15, 2009

Parekoy says goodbye

Matagumpay na naipakilala ng unang kome­diserye ng ABS-CBN na Parekoy ang pinaka­bagong TV barkada na kinabibilangan nina John Prats, Jayson Gainza at Zanjoe Marudo, pero sa nalalapit na pagtatapos ng Parekoy ngayong Biyer­nes, April 17, magkakasama-sama pa kaya ang tatlong maku­kulit na magkakaibigan?

Anong kapalaran ang naghihintay sa mga kwelang lalaki?

Parekoy ang pinaka-unang programang ipina­labas ng ABS-CBN sa taong ito at patuloy ito sa pagkuha ng magandang ratings. Mabilis nitong nakuha ang atensyon ng publiko dahil sa napakagaling na konsepto kung saan pinagsama ang mga elemento ng isang teleserye sa isang sitcom, ang ‘di matatawarang katatawanan at ang kitang-kita na magandang ugnayan ng mga bidang aktor.

Ang matibay na suporta ng mga respetadong aktor gaya nina Angelu De Leon, Bobby Andrews, Giselle Sanchez, Irma Adlawan, Roy Alvarez, Tetchie Agbayani, Ma. Isabel Lopez, Raymund Concepcion at Dennis Padilla, ang likas na halina ng mga sexy babes na sina Jacq Yu, Samantha Flores, Jem Sevilla at Lovelle Bautista ay malaki ang naitulong sa tagumpay ng programa.

Ang pagbibigay-buhay at direksyon ni Randy Santiago at Frasco Mortiz sa Parekoy ay nagbigay ng bagong klase ng katatawanan sa mga manonood tuwing hapon.

“We are very proud of the show’s achievements,” pahayag ng Executive Producer na si Jessa Mae Samson. “We are thankful that viewers appreciate the hard work we have put into this show.”

Marami pang rebelasyon na twists ang isisiwalat sa huling dalawang araw ng Parekoy.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES