Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, April 28, 2009

Sam Milby nagulat sa kissing scene nila ni Angel

KADARATING lang ni Sam Milby mula Amerika kung saan nagkaroon ng concert ang Heart Throbs doon kasama si Pokwang.

Hindi nakadalo si Sam sa presscon ng Only You kaya nang may chance na makausap namin siya sa ASAP ’09 nitong Linggo, agad namin siyang kinumusta.

“Successful ang concert namin doon, lalo na sa New Jersey at sa Illinois, ang daming Pinoy talaga,” say ni Sam.

Nabalitaan din namin na sa lahat ng performers sa Heart Throbs ay siya ang pinagkaguluhan.

Ayon pa sa balita, si Sam kasi ang may magandang PR sa lahat.

Any comment on that, Sam?

“Ah, yeah! Kasi, whenever people approach me naman for pa-picture or autograph signing, I give it to them. Kaya si-guro sinasabi nilang ganoon ako,” dagdag pang sabi ni Sam, na napag-alaman pa naming Little Boy pala ang tawag sa kanya ng ilan niyang kasamahan.

Playful, malambing at makulit daw kasi si Sam lalo na ‘pag kumportable na raw siya sa isang tao, kaya he’d joke around them ‘pag friends na niya.

Excited din si Sam sa Only You.

Aniya, ito ang una ni-yang project na hindi heavy drama.

Sabi pa ni Sam, gusto rin ng direktor nilang si Rory Quintos that he’d veer away muna from his heavy drama character.

Very timely naman ang Only You, magaan at kilig ang dating ng istorya nila ni Angel.

Tinanong din namin si Sam kung totoo bang nagkaroon ng ilang factors sa pagitan nila ni Angel nu’ng ginagawa nila ang eksenang kissing scene sa shooting nila sa South Korea.

Napangiti si Sam at sinabing hindi siya nailang kay Angel.

“It’s just that, unang araw pa lang ‘yun ng taping namin at ‘yun na agad ang kinunang scene. So, parang naka-gugulat lang.”

Second time na raw niyang nakatrabaho si Angel, pero ito ang unang seryeng pagsasamahan nila.

Samantala, tinanong naman namin si Sam kung kumusta ang puso niya ngayon.

Prangkang sinabi nito na wala pa ring kapalit si Anne Curtis sa buhay niya.

He’s not even dating anyone at the moment. ini-enjoy muna raw niya ang pagiging single.

It’s not that takot daw siyang magmahal muli, kaya lang ayaw lang muna niya na ma-ki-pagrelasyon.

Hindi kaya ayaw lang muna niyang palitan si Anne sa kanyang puso?

Hindi man daw sila in constant touch ni Anne dahil pareho silang busy.

Nagkukumustahan naman daw sila ‘pag sila’y nagkikita.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES