Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, April 08, 2009

Shaina at Melissa mag-aala Rio Locsin

Matapos niyang bigyang buhay ang feiry superhero na si Dra­gonna, handa na para sa kanyang pinaka-challenging role si Shaina Magdayao sa kanyang pagganap bilang Vira sa remake ng Kambal sa Uma.

Unang ginampanan ni Ms. Rio Locsin ang nasabing role at kahit nag-uumpisa pa lang sila ng taping, nangako na si Shaina na ibubuhos niya ang lahat para i-portray ang character ni Vira, isang babaeng itinuturing suwerte ng pamilyang kumupkop sa kanya. May taglay na kagandahan si Vira, ngunit sa likod ng kagandahang ito ay may itinatago siyang isang madilim na sikreto.

“Grabe noh? Ang laki na ni Shaina. Dati batang inaapi-api ko lang siya sa Marinella, pero now, she has bloomed into a very fine lady na,” kuwento ni Ms. Rio. “Magaling na aktres si Shaina kahit nung bata pa, kaya ngayon na gaganap ako bilang nanay niya, nakakatuwang isipin na makakatrabaho ko siya ulit.”

“Nakakatuwa ang pakiramdam kasi pinagkakatiwalaan ako ng ABS-CBN at patuloy pa rin nila akong binibigyan ng magagandang projects. Masasabi ko na sa ngayon, ito na ata ang pinaka-challenging role ko na gagawin on TV, kaya naman naghahanda rin ako,” pahayag naman ni Shaina na nung una ay hindi niya alam na si Ms. Rio pala ang makakasama niya sa nasabing bagong series ng ABS-CBN na nag-umpisa ang shooting last Holy Monday lang.

At kung sa original movie ng Kambal Sa Uma ay dalawa ang character ni Rio, sa remake nito, dalawa sina Shaina at Melissa Ricks.

Matapos ng kanyang mahusay na pagganap bilang Celina sa Your Song Presents Underage, kung saan bibigyang buhay niya ang karakter ni Ella.

“Wala na munang summer vacation for me and Shaina,” kuwento ni Melissa. “Pero I’m sure na magiging masaya ang experience ko dito sa Kambal sa Uma kasi sobrang challenging at kakaiba ang role ko dito kaya naman hindi na ako nagdalawang isip to accept it.”

Si Ella ay may mouse-like features kaya naman naiiba ang kanyang itsura sa iba. Pero ganun pa man ang kanyang kaanyuan, lumaking normal si Ella. Masunurin, mabait at masayahin si Ella pero pinapangarap nito na makasama ang kanyang twin sister na si Vira.

“Naka-prosthetics ako dito. First time ko na aarte na may prosthetics kaya excited na talaga ako. Pinaglihi kasi kami sa daga kaya yung features ko nakuha ko sa daga rin,” nakangiting pahayag ni Melissa.

Two hours nilalagay ang nasabing prosthetics at isang oras itong tinatanggal kaya dusa siya.

Sa ilalim ng direksyon nina Manny Palo at Rechie del Carmen.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES