Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, April 28, 2009

Sharon Cuneta naka-two-piece sa movie?

Kapansin-pansin ang malaking ipinayat ni Sharon Cuneta nang dumalo siya sa first grand presscon ng BFF (Best Friends Forever) sa Studio 1 ng ABS-CBN kahapon.

Ayon sa Megastar, talaga raw kinakarir niya ngayon ang pagpapapayat at ito talaga ang ultimate goal niya this year.

“Nagmamadali talaga ako na maabot ’yung goal ko na weight kasi, may concert tour ako this year sa U.S., and uumpisahan ko na agad ’yung love story, so, talagang I want to look the best that I could be, I want to be really healthy this year.

“So, siguro, pagdating ko from U.S., baka mag-start din akong mag-work-out kahit treadmill lang,” say ni Megastar.

Ipinagmamalaki rin ni Sharon na walang halong tulong ng doktor ang kanyang pagpapapayat. Sa ngayon ay talagang hard diet lang talaga.

“Gusto ko, pag-uwi ko from my concert, ma-surprise naman kayo,” she said.

Aminado rin si Sharon na sobrang nag-enjoy siya habang ginagawa ang BFF with Ai-Ai de las Alas and Direk Wenn Deramas, na first time niyang nakatrabaho.

Ni-reveal ni Direk Wenn na makikita for the first time sa pelikula ang picture ni Shawie na naka-two-piece, na never pang lumabas kahit saan.

Ang picture raw na ’yon ay nakita ni Direk Wenn na screensaver ng megastar sa laptop nito.

Kuha raw ’yon nu’ng time na payat pa si Shawie at wala itong halong kahit ano’ng retoke sa photoshop.

“Never pang nag-bathing suit si Sharon sa pelikula, ’di ba? Pero dito, makikita n’yo, in two piece pa, full screen,” sabi pa ng director.

Ayon naman kay Shawie, ang asawa pa raw niyang si Sen. Kiko Pangilinan ang kumuha ng picture na ’yon at right after, nabuntis siya kay Frankie.

Samantala, naitanong din kina Ai-Ai at Sharon kung ano ang mga ugali ng isa’t isa na nadiskubre nila habang ginagawa ang BFF.

Kuwento ng Comedy Concert Queen, mahilig daw palang magbasa ng libro si Mega.

“Ang dami-rami niyang libro, grabe. Tapos, mahilig din siyang manood ng DVD, mga pelikula. Tapos, mahilig siyang tumawa, sobrang bungisngis niya at makuwento rin siya. At saka, good-hearted siya talaga, mabait na mabait ang puso niya,” say ni Ai-Ai.

Ayon naman kay Shawie, si Ai-Ai, laging pagod, laging natutulog, pero ’pag kailangan na raw ito sa eksena, agad namang nakakaarte.

Pero ang talagang ikinahanga niya kay Ai-Ai ay nang dumalaw ang mga anak nito sa shooting at nakita niya ang labis na pagmamahal nito sa mga bata at ang respeto ng mga ito sa ina.

BFF din ang tawag sa isa’t isa nina Sharon at Ai-Ai.

The movie is showing on May 13 at may premiere night ito sa SM Megamall on May 12.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES