Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, April 08, 2009

Star Cinema movie updates

Binigyan kami ng update ng Star Cinema sa kanilang mga naka-line-up na project/movie. Siyempre, showing na ang T2 starring Maricel Soriano directed by Chito Roño on April 11, Black Saturday, ang masuwerteng playdate ng Star Cinema dahil ilang blockbuster films na rin ang ibinigay ng nasabing araw sa produksyon.

After the local showing ng T2 ay magkakaroon ng international screening ang pelikula. On April 17 sa Guam, San Francisco, Las Vegas, Seattle, Los Angeles at San Diego ito mapapanood.

Sa April 30 naman, sa Dubai at Sharjah, May 7 sa Abu Dhabi, May 8 sa Scarborough and Mississauga, Ontario, Canada at May 14 sa Qatar at Bahrain.

Pagkatapos ng showing ng T2, ang BFF (Best Friends for Life) naman nina Sharon Cuneta at Ai-Ai de las Alas ang ipalalabas.

First movie ito ng dalawa together na si Sharon mismo ang nag-request mula sa direksyon ni Wenn Deramas.

Mahaba-haba na rin ang natatapos sa movie at ayon sa Star Cinema people, nakakagulat daw ang ipinakitang husay dito ni Sharon sa comedy.

Kasalukuyan ding tinatapos ang In My Life nina Vilma Santos, Luis Manzano at John Lloyd Cruz. May mga nakunan nang eksena rito sa Manila at sa April 19 naman ay lilipad ang mag-ina (mauuna si Lloydie na aalis ngayong gabi) patungong New York para mag-shoot at isang buwan din sila roon.

Ipinakita na sa amin ang ilang eksenang natapos at nakakaaliw ang scene ni Ate Vi na nakita namin. Mukhang kakaibang Vilma ang mapapanood dito. Bandang September pa raw ang playdate nito dahil ito naman ang lucky month ng Star for All Seasons.

Ipinakita na rin ang teaser ng And I Love You So nina Bea Alonzo at Sam Milby at sa totoo lang, may chemistry din ang dalawa’t mukhang may tulog din ang John Lloyd-Bea loveteam.

Nakatakda namang simulan ng produksyon ang next movie ni Sarah Geronimo with Rayver Cruz, Toni Gonzaga and Vhong Navarro.

Next year na raw ang Gerald Anderson-Sarah team-up dahil mukhang hindi pa ready ang fans na makita ang young actor na iba ang kapareha other than Kim Chiu.

Nakatakda na ring simulan ang first movie together nina Aga Muhlach at Angel Locsin sa end of April na ididirehe ni Cathy Garcia-Molina.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES