Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, April 09, 2009

Valerie Concepcion binawasan ng TF kaya umalis sa show

Wala na sa Banana Split si Valerie Concepcion at talent fee umano ang dahilan. Ayon sa balita, inayawan ng manager ni Valerie na si Becky Aguila ang pagbabawas sa TF (talent fee) ni Valerie at minabuti na lamang daw ni Becky na i-pull out na lang sa nasabing programa ang kanyang alaga.

Sa halip nga naman na dagdagan ay mababawasan pa ang tinatanggap na TF ni Val.

Baka naman nagku-cost-cutting ang Banana Split dahil hindi ito gaanong pumapalo sa rating.

Ano sa palagay mo, Salve A.?

Nawalan man ng isang programa si Valerie, meron naman itong sisimulang bagong programa, ang Prescious Hearts na malapit na niyang simulan. Nariyan pa siyempre ang Wowowee kung saan siya muling pumirma ng panibagong six month-contract.

Aminado si Valerie na malaking tulong sa kanya ang Wowowee dahil nakabili na siya ng sariling bahay na nagkakahalaga umano ng P9 million.

Si Valerie ay isang single mom kaya todo kayod siya para mapaghandaan ang magandang future ng kanyang anak na si Heather.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES