Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, April 02, 2009

Willie Revillame labis ang pagkalungkot sa hostage crisis sa Sulu

NALULUNGKOT si Wowowee host Willie Revillame sa nangyayari ngayong hostage crisis kung saan tatlong humanitarian aid workers ang bihag pa rin ng mga bandido sa Sulu.

Sa kanyang show kahapon, sinabi ni Revillame na labis siyang nalulungkot na tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC) ang nananatiling hawak pa rin ng mga miyembro ng Abu Sayyaf habang ang ibang tao naman ay patuloy ang normal na takbo ng buhay.

“Malungkot pero andito tayo nagsasaya, magdasal tayo. ‘Pag may anak kayo, sana hindi mangyari sa kanila ‘yan,” pahayag niya.

Maya-maya ay binasag niya ang tensiyon sa pamamagitan ng pagbibiro sa isa sa mga contestants ng: “Gusto n’yo kayo naman ang lumagay sa kanila?”

Matatandaang ang Swiss na si Andreas Notter, Italian na si Eugenio Vagni at Pinay na si Mary Jean Lacaba ay bihag ng Sayyaf mula pa noong Enero 15.

Nagbanta si Abu Sayyaf sub leader Akbader Parad na pupugutan ang ulo ng isa sa tatlo kapag hindi sinunod ng gobyerno ang kanilang hiling na military pull-out sa maraming lugar sa Sulu.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES