Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, April 03, 2009

Yanggaw nominated sa 25th PMPC Star Awards

Ipinagmamalaki ng Cinema One Originals na ang makapanindig balahibong Yanggaw sa panulat at direksiyon ni Richard Somes ay nagkamit ng anim na malalaking nominasyon sa 25th PMPC Star Awards for Movies: Best Digital Movie of the Year, Digital Movie Director of the Year para kay Richard Somes, Movie Actor of the Year para kay Ronnie Lazaro, Supporting Actress of the Year para kay Tetchie Agbayani at Digital Movie Cinematographer of the Year para kay Hermann Claravall at Lyle Sacris.

Tungkol ito sa isang ordinaryong pamilya sa isang probinsiya na mayroong kakaibang kuwento – ang kanilang babaeng anak ay nagiging isang “Yanggaw” o mas kilala sa katagalugan bilang aswang. Bago pa man makamit ang nasabing mga nominasyon sa Star Awards, nanguna na ang Yanggaw sa 2008 Cinema One Originals Digital Film Festival. Nanalo si Somes sa kategoryang Best Director, si Ronnie Lazaro naman ang nagwagi, kasama si Mark Gil, para sa kategoryang Best Actor. Si Tetchie Agbayani naman ang nakakuha ng Best Supporting Actress at si Joel Torre naman para sa Best Supporting Actor.

Isa pang tagumpay na natanggap ng Yanggaw ay ang pagpapalabas ng pelikula sa Hongkong International Film Festival na naganap kamakailan lamang na may temang, Celebrating Excellence in Asian Cinema. Tumugma naman ang tema dahil ang pelikulang Yanggaw ay nagpapakita lamang ng galing ng mga Pinoy sa larangan ng paggawa ng mga pelikula.

Gaganapin ang kapanapanabik na Silver Year ng PMPC Star Awards sa Henry Lee Erwin Theater sa Ateneo de Manila University sa ika-28 ng Mayo, 7:00pm.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES