Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, May 06, 2009

Anne Curtis nag-recharge sa Spain

NAMUMUKADKAD ang kagandahan ni Anne Curtis nang dumalo sa press launch ng kanyang bagong TV commercial para sa GSM Blue sa Malayan Plaza poolside, na sinaksihan ng print and broadcast media ang preview ng commercial na si-guradong pag-uusapan tulad ng kanyang pagganap sa primetime series na The Wedding soon sa ABS-CBN.

Kahit ang malakas na ha-ngin, nais bosohan si Anne.

Nililipad nito ang kasuotan ng aktres.

“I’m very proud to be the endorser ng GSM Blue. My happiness emanates from the fact that this partnership remains very strong after all these years,” ani ng 24-year old Filipino-Australian na limang taon nang endorser ng naturang produkto, na la-ging sinasabi na dapat maging responsible sa pag-inom.

As of presstime, nasa Europe (Spain at Italy) na si Anne.

Kahapon siya umalis ng bansa for a month vacation.

Unang destination niya’y sa Spain.

Lilibutin niya ang ilang key cities nito tulad ng Madrid, Barcelona, Marbella, Mallorca at Salamanca.

Magkikita sila ng kanyang mga kaibigan sa Italy.

Isang kaibigang babae niya rito ay ang kanyang kasama sa naturang bakas-yon at ang iba niya friends ay sa Paris and London.

Ani Anne, luho niya raw ang pagto-tour ng iba’t ibang bansa.

Isang buwan ang kanyang pagbabakasyon.

Gusto lang niya mag-recharge para sa pagbalik niya sa June, mayroon na siyang lakas para makatrabahong muli.

Babalik siya sa June, in time sa paggawa niya ng movie with her ex-boyfriend Richard Gutierrez.

Hindi kaya muling uusbong ang pag-ibig sa isa’t isa?

Ani Anne, pagbalik niya lang niya pag-uusapan si Richard.

Hindi man niya kinu-kumpirma ang movie nila ni Richard entitled Maybe This Time, may ningning naman ang kanyang mga mata.

Kaya excited siya sa tambalan nila ni Richard.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 11:38 AM, Anonymous Anonymous said...

anne ang ganda m s commercial ng gsm blue.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES