Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, May 07, 2009

Charice gustong maging abogado

Sa kabila ng tinatamasa niyang popularidad hindi lamang dito sa ating bansa kundi lalo na sa Amerika, wish ni Charice Pempengco na kumanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas o Lupang Hinirang sa isa sa mga laban ni Pambansang Kamao Manny Pacqiuao.

Oo nga naman, nakanta na niya ang National Anthem ng US, ang Star Spangled Banner sa isang napaka-laking football game sa Dodgers Stadium, bakit naman hindi ang Lupang Hinirang ng Pilipinas?

Una nang kumanta ng Star Spangled Banner sina Mariah Carey at Jennifer Hudson at ang Lupang Hinirang nina Martin Nievera at Karylle sa mga laban ni Manny. Ngayon wish ni Charice na mabigyan ng chance na katulad nila.

Bukas aalis na naman si Charice para sa isang mahalagang singing commitment sa Amerika, ipagdadala niya ng kopya ng kanyang Inspiration album si Oprah (Winfrey).

“Ipagmamalaki ko sa kanya ang album at sasabihin kong ganito gumawa ng album sa Pilipinas, talagang pinipili ang mga nilalaman at pinagaganda,” sabi niya.

Ikalawang album na ang Inspiration ni Charice, ‘yung una ay platinum na. Isang tribute ito sa kanyang Mommy Raquel na sa kantang You and Me Against the World ay naka-duet ni Charice.

Ang carrier single ng album ay ang Always You na tungkol pa rin sa inang kumandili sa kanila ng kanyang kapatid nang iwan sila ng kanyang ama nung tatlong taong gulang pa lamang siya.

“Isang single parent ang mom ko. Humahanga ako sa kanya dahil siya rin ang tumatayong tatay at boses ng pamilya at kaibigan. Sa kanya ko nakuha ang lakas at tatag ng loob ko,” pagmamalaki ni Charice sa kanyang ina.

Bagaman at hindi siya nanalo kundi runner-up nang mag-join sa Little Big Star, hindi ito naging hadlang para umasam si Charice na malampasan ang kanyang naging kabiguan sa nasabing paligsahan sa pag-awit.

Iisang taon pa lamang masasabing kinakasihan ng kapalaran si Charice pero, papunta na siya sa tinatawag na superstardom sa rami ng kanyang mga international guestings. Nakasama na rin siya sa mga concerts ng mga sikat na singing icons.

Nung huli siyang magbiyahe sa US, nag-shoot siya ng pelikula sa Disney, ang Alvin and the Chipmunks na nakatakdang mapanood sa mga sinehan sa Disyembre.

Sinamantala ng Star Records ang maikling panahon na naririto siya para pagawin siya ng isang album na may hand din siya sa pagpili ng mga awiting kasama rito.

Grateful si Charice sa magandang takbo ng kanyang career. Nakabili na siya ng bahay na matitirhan sa Laguna. Meron na rin silang 7 door apartment sa Tagaytay na pinarerentahan. Bukod dito, ‘yung pangarap niyang sasakyang Expedition ay nabili na rin niya.

Tila wala nang mahihiling pa sa buhay si Charice pero, meron pa pala. Gusto rin niyang makagawa ng pelikula rito, makasama sa concert ang mga sikat na singers natin tulad nina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.

Sa ibabaw nang lahat ng ito, gusto niyang buong puso siyang matanggap at maipagkapuri ng kanyang mga kababayan dito sa sarili niyang bansa tulad ng ibinibigay sa kanya sa abroad.

“Sana sumikat din ako dito sa atin kapareho sa abroad,” sabi niya.

Pangarap din ni Charice na makatapos ng kanyang pag-aaral at maging isang abogado. Sa ngayon, nakakaya lamang ng schedule niya ang home study program pero, malapit na siyang makatapos ng high school. Hindi na siguro ito isang malaking pangarap for the Little Girl With the Big Voice, di ba?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES