Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, May 08, 2009

Diether Ocampo naka-recover na sa break-up kay Kristine

KUMPIRMADO.

Talagang naka-move on na nga si Diether Ocampo sa nangyari sa kanilang dalawa ni Kristine Hermosa.

Kami kasi ang naglabas ng balita noon tungkol sa pagpapakasal nilang dalawa kay Mayor Tony Esquivel ng Nueva Ecija.

At magmula nang pumutok ang isyung ‘yun, nagtanim na ng sama ng loob sa amin si Diet.

Kahit na may pinagsamahan kami ng magaling na aktor, ilang taon niya rin kaming hindi pinansin dahil sa isyung ‘yun kaya inisip namin, apektado nang husto si Diet.

Kahit na na-annul na ang kanilang kasal, ilang buwan pa rin kaming hindi pinapansin ng magaling na aktor kahit na nagkakasalubong kami sa iisang gym sa Kyusi na aming pinupuntahan.

Pero sa press conference ng Only You sa ABS-CBN, siya mismo ang bumati sa amin at biniro pa kami tungkol sa isyung ‘yun.

Doon namin nakumpirma na talagang nakalimutan na niya ang lahat at naka-move on na siya sa sugat na naging sanhi ng relasyon nila noon ni Kristine.

Kaaliw ang role ni Diet sa Only You.

Isa siya sa inaabangan ng televiewers kaya humahakot ngayon ito ng mataas na rating sa TV.

Kudos din sa kanilang headwriter na si Henry King Quitain dahil isa rin siya sa malalaking factor kung bakit sinusubaybayan ngayon ng napakaraming Pinoy ang nakaaaliw na Only You.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES